^

Marcos-Robredo legal battle tapos na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2021 - 12:00am

Nagwakas na ang tug-of-war nina dating Senator­ Bong­bong Marcos at Vice President Leni Robredo ma­tapos ibasura with finality ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang protesta ng una na siya ay dinaya sa nakalipas na Vice Presidential elections noong 2016.

Pero sabi ni Marcos, “Hindi pa tapos ang laban.” Sana wala nang sumunod pang protesta sa panig ni Marcos. Sa halip, imbes na ituloy ang bangayan sa Korte, kuman­di­dato na lang sa pagka-Pangulo si Marcos kung tatakbo rin si Robredo. Kung magtatagumpay siya, Iyan ang pina­ka­mainam na vindication para sa ex-Senator.

Nagkakaisa ang mga mahistradong bumubuo sa PET sa pagbasura sa napakatagal nang protesta ni Marcos­ na igi­nigiit na siya ang nanalo sa election. Sa isang nag­­popro­testa na mahigpit ang paniniwala sa kanyang paninin­digan, masakit talaga iyan.

Pero alang-alang sa katiwasayan sa bansa, maghintay na lang sa susunod na eleksyon at doon ituloy ang laban, hindi na sa Korte dahil ito’y lalo lamang magdudulot ng political division sa bayan.

Para kay Robredo, ang pagkakabasura sa electoral protest ni Marcos ay katunayan na buhay ang hustisya sa ating bansa, pero para kay Marcos, hindi pa natatapos ang laban. Hindi natin alam ang susunod na hakbang pero ayon sa PET, wala nang protesta kaugnay ng kapa­rehong usapin ang puwede pang isampa.

Umaasa ako na ang pagpapatuloy ng laban na sinasabi ni Marcos ay gaganapin, hindi na sa Korte kundi sa darating na national elections sa susunod na taon. Tutal­, ang isang taon ay mahigit limampung linggo na lang kaya maghanda na lang si Marcos sa gagawing political strategy para magwagi sa darating na taon. Taumbayan naman ang magpapasya kaya sana, huwag pasukin ng pandaraya.

BONGBONG MARCOS LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with