^

PSN Opinyon

Sa awa ng Diyos

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Matulin ang naging reaksiyon ng pamahalaan sa hinaing na ipatigil ang operasyon ng mga Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC). Ang dating binabayad na halos P500 lamang kada rehistro ay tumalon ng Ph1,800. Di tulad ng dating manu-manong pagsuri, sa bago sanang kalakaran ay puro compute-rized na sana ang testing sa pamamagitan nitong mga PMVIC. Hindi lamang ang taas ng singil ang mabigat. Medyo istrikto ang inspeksyon at kung sa una’y bagsak sa eksamen, kakailanganing umulit na magbabayad ng additional na P900.

Noong nakaraang Disyembre lang ipinatupad ang bagong sistema. Wala pang Pebrero ay inulan na ng reklamo. Agad nagtalaga ang Senado ng imbestigasyon. Sa mga lungsod, kahit sa probinsiya, kung saan inum-pisahan na ang PMVIC, kagaya ng San Fernando, La Union, Dagupan City, Pangasinan, sa Iloilo City at sa mga probinsiya ng Ilocos Norte at Mindoro Oriental, sinalo ng mga pamahalaang lalawigan at lungsod ang hinanakit at hinarang ang programa ng LTO.

Sa imbestigasyon ng Senado, nadagdagan pa ang dahilan kung bakit kailangan itong ipatigil. Una ay kikita ang “negosyo” ng PMVIC ng kulang kulang P8.1 billion kada taon (mula sa 458 centers sa buong bansa). Ang kapalit nito ay P100,000 lamang na lisensiyang ibabayad ng bawat isa. Total ay P45.8 million sa atin. P8.1 billion minus P45.8 million. Makatarungan bang isuko ang ganun kalaking kita?

Nang inanunsiyo ang programa noong Desyembre, mayroon nang 17 PMVIC na may lisensiya. Wala pa noong rules and regulations para sa nais mag-apply. Ngayon ay 28 na silang anak ng diyos. Walang konsultasyon, walang bidding. At sa mga kasulatan ng lisensiya, walang nakatatak na bawal makilahok ang kamag-anak ng mga taga-Department of Transportation o ng Land Transportation Office.

Ilan lang ito sa isyung lumantad. Subalit hindi na ito inintindi ni Pres. Rodrigo Roa Duterte. Sa bigat pa lang ng singil, sa awa ng Diyos ay nagdesisyon na siyang ipagpaliban ang programa. Sa dami nating pasan ngayong may pandemya, napakalaking ginhawa ang aksyon ng ating mga halal na opisyal.

vuukle comment

PMVIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with