_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Delikado kapag binuksan ang mga sineha’t arcades

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Delikado kapag binuksan ang mga sinehaât arcades

SA inilabas na resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Sabado, pinapayagan na nilang  magbukas ang mga sinehan, arcades, dri­ving schools, libraries, archives, museums at ma­ging ang mga accredited establishments ng De­part­ment of Tourism (DOT), gaya ng parks, theme parks, natu­ral sites, historical landmarks at iba pang tourist­ attractions. Pinapayagan na rin ang religious activities na madagdagan ang sitting capa­­city mula 30 percent sa 50 percent. Kahapon, nagkabisa ang resolusyon kaya maaari nang magbukas ang mga nabanggit na establishment. Pero nilinaw ng IATF na ang pagbubukas ay para sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).

Delikado ang pasyang ito. Marami pang nagka­kasakit. Araw-araw ay nadaragdagan ang bilang. Sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH) umabot na sa 549,176 ang kaso ng COVID sa bansa.

Ibig sabihin, hindi pa dapat magluwag nang big­laan o buksan ura-urada ang mga sinehan at arcades. Delikadong tumaas pa ang bilang kapag pinayagang magbukas ngayong araw na ito ang mga nabanggit na establisimiento. Ang sinehan pa naman ay enclosed at malamig na lugar at ayon sa mga eks­­perto, mas madali ditong magkahawahan. Kung noong Pasko at Bagong Taon na nagdagsaan ang mga tao sa Divisoria ay tumaas ang bilang ng mga nagka-virus, paano pa sa saradong lugar na gaya ng sinehan at mga arcade.

Maski ang Metro Manila mayors ay hindi sang-ayon sa desisyon ng IATF na buksan ang mga sinehan at iba pang lugar. Hindi raw ito kinunsulta sa kanila kaya balak nilang umapela sa desisyon ng IATF. Sabi ni Parañaque mayor at Metro Manila Council (MMC) chair Edwin Olivarez kakausapin nila si MMDA chairman Benhur Abalos para ipaabot ang kanilang pagtutol sa desisyon ng IATF.

Tutulan ang resolusyon ng IATF. Huwag munang buksan ang mga sinehan at iba pang establisimiento. Lalaganap ang virus at balik uli sa dati. Kapag dumami ang kaso, magla-lockown. Balik sa hirap ang lahat. Hintayin na munang mabakunahan ang mamamayan saka buksan ang mga sinehan. Isa pa, hindi naman pinapayagang lumabas ang mga bata, kaya wala ring silbi para buksan ang sinehan at arcade. Dadami lang ang COVID cases sa maling desisyon.

CINEMA IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with