^

Pagod nang mag-ingat

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2021 - 12:00am

MALUNGKOT na araw ito. Isang matalik kong kaibigan, matapos ang pitong taong pag-aaral at pagsasanay ng medisina, ay sinibak sa trabaho dahil sa isang maliit na pagkukulang. Sumiping siya sa isang pasyente, at bina­walan na siyang gumampan ng propesyon. Ang laking sayang ng hirap, panahon at pera! Binabayaran pa niya ang school loans. Talaga nga na minsan ka lang magka­mali nang maliit, maaring masira ang buong buhay mo. Paki lang, ipagdasal ninyo siya at ang pamilya. Napakabuti niyang tao, at isa sa pinaka-mahusay na kilala kong beterinaryo.

O, tama na ang kahahalakhak. Ngayong nakuha ko na ang atensiyon mo, may ibabahagi akong mahalaga sa buhay mo ... natin. Tungkol din ito sa munting pagkukulang.

Mag-iisang taon na mula nang i-lockdown tayo kontra COVID-19. Nababagot na tayo sa limitadong paglabas-labas. Walang pasyal ang pamilya, walang gimik ang bar­kada. Nakakalungkot nang dumistansiya sa estranghero man o minamahal. Nakakainis nang mag-face mask at face shield, magsabon ng kamay maya’t miya, at magdisimpekta ng gamit.

Nakakapagod nang mag-ingat!

‘Yan ang nararamdaman ng marami saan man sa mundo. Dahil pagod na silang mag-ingat, nagiging pabaya. Hindi na sinusunod ang mga alituntunin ng epidemiologists at infectious disease specialists.

Dahil nariyan na ang bakuna, iniisip nang marami ay tapos na ang pandemya. Resulta: sumisipa ang dami ng impeksiyon.

Tandaan: hindi nagbago ang tindi ng coronavirus. Ma­dali pa rin itong makahawa. Nakapanghihina ito ng baga ng tao. Nilalagnat, inuubo, nagtatae ang tinamaan; nawa­walan ng panlasa’t pang-amoy, hindi makahinga, nananakit ang mga kasu-kasuan at kalamnan. Nakakamatay.

Isang maliit na pagpapabaya lang, impektado ka na, pati ang kaanak. Malungkot mamatay sa COVID-19: mag-isa kang naghihingalo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with