^

PSN Opinyon

Pekeng balita (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

PINAHAHALAGAHAN sa ating Saligang Batas ang malayang pamamahayag. Pero hindi pinahahalagahan ang pagpaparatang ng krimen o maling impormasyon, bisyo, kakulangan o anumang kapintasan na siguradong ikasisira ng pangalan, reputasyon o dignidad ng isang tao o kaya ay dudungis sa pangalan ng isang namatay. Mas kilala ito sa tawag na “libel”. Ano ba ang dapat patunayan para ituring itong libel? Ano naman ang depensa laban dito? Ito ang mga tanong na sasagutin sa kaso ni Carrie.

Reporter sa isa sa mga pangunahing diyaryo sa bansa­ si Carrie. Sa isa sa mga lathala nito ay inilabas ang tung­kol sa sinulat ni Carrie tungkol sa mga residente sa isang subdivision sa Metro Manila. Sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Dikilala, gusto nilang hingin sa Bureau of Immigration (BI) na maipatapon pabalik sa kanyang bansa ang isang foreigner na diumano ay walang habas na namamaril sa mga alaga nilang hayop na naliligaw sa bakuran nito.

Hindi naman daw mapipigilan ng mga residente kung sakali at nakakatakas ang mga alaga nila at maiiwasan sa deportation ng banyaga ang anumang insidente sa hinaharap na masasaktan pa ang nasabing mga hayop. Mas magulo raw kung sakali at magkakaroon ng kompron­tasyon sa pagitan ng foreigner at ng may-ari ng hayop na kanyang binaril.

Ayon sa foreigner, na isang retiradong inhinyero, kasal sa isang Pilipina, may mga anak at matagal nang nakatira­ sa Pilipinas, peke at mapanirang-puri ang nasabing balita. Nagsampa siya ng kasong sibil at dinemanda si Carrie pati ang pamunuan ng diyaryo. Sinira raw ng maling balita ang pangalan at reputasyon niya sa komunidad. Mula raw nang ilathala ito ay umaga at gabi na nakakatanggap ng mga galit na tawag ang kanyang misis mula sa kanilang mga kaibigan, kapitbahay at kakilala. Madalas din na ba­tuhin ang kanilang bahay kaya nagkakabasag-basag ang mga paso ng halaman nila.

Bilang depensa, ikinakatwiran ni Carrie na obligas­yon niyang ipaalam sa publiko ang tungkol sa nangyayari para protektahan ang madla. Wala raw malisya sa kanyang ginawa at malinis ang kanyang hangarin sa paglalathala ng balita. Nag-ugat daw ang balita sa sulat ni Atty. Dikilala sa BI na nahingi lang niya ang kopya mula sa Intelligence Division ng BI.

Pero sa paglilitis ng kaso, napag-alaman na puro mali ang balita. Ang laman lang ng sulat ay tungkol sa paghingi ng impormasyon mula sa BI samantalang ang sabi ni Carrie ay nirereklamo na para ipatapon ang nasabing foreigner. Wala talagang residente na nagsampa ng reklamo at walang kahit anong deportation proceeding ang isinampa sa kanya.

Ang matindi pa, wala talagang Atty. Dikilala na kabilang sa listahan ng mga abogado sa Pilipinas ayon mismo sa opisina ng Bar Confidant na may hawak sa mga pangalang nakalagay sa Roll of Attorneys ng bansa. Sa kabila ng maling impormasyon, binasura pa rin ng korte ang kaso. Protektado raw ng tinatawag na “freedom of the press” ang balita at hindi maituturing na malisyoso. Tama ba ang korte? (Itutuloy)

vuukle comment

LIBEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with