_ngayon
^

PSN Opinyon

Hinay-hinay lang ang IATF sa pagbukas ng mga sinehan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAPAT maghinay-hinay ang Inter-Agency Task Force (IATF) na pabuksan na ang mga sinehan at arcade kahit limitado lamang ito sa 50% na kapasidad ng tao. Hindi lalayo na lumobo na naman ang maghahawahan sa kinakatakutang COVID-19 kapag ginawa ito. Sa totoo lang mga suki, sabik na sabik na ang sambayanan na makalaya na sa halos isang taong pagkakakulong sa kani-kanilang mga tahanan kaya pagniluwagan ito na makapasyal na sila sa mga sinehan at arcade tiyak na hahantong ito sa pag­hahawahan.

Sa loob kasi ng sinehan at arcade mababa na ang dalawang oras kang magbababad sa kulob na kulob na lungga. ‘Di ba mga suki? Ito ang apela ng local government units (LGUs) o mga mayor sa ngayon. Hindi naman tayo mga bulag at bingi sa nangyayari sa kapaligiran, sa konting luwag na ipinagkakaloob ng mga mayor ay mistulang mga nakawala sa kural. Naglipana ang mga tao dahil halos lahat ay nais nang makawala sa kanilang lugar at nais magliwaliw kahit na nasa bingit ng alanganin ang kanilang susuungin.

Ang masakit, said na ang pondo ng mga mayor sa pagtustos sa mga mahihirap nating mga kababayan sa pagpa­pagamot at pagbibigay ng ayuda lalo na sa pagkain. Tama naman na mabigyan na ng hanapbuhay ang ilan nating mga kababayan upang magkaroon naman sila ng pagkakakitaan at maibangon na ang nalumpong ekonomiya, subalit kung hahantong din lamang ito sa muling pagdami ng magkakasakit, dapat lamang na pag-isipan muna ito ng ilang beses bago ipatupad.

Sa ngayon na may bagong variant ang COVID-19 at may mga nahawa at namatay ng Pinoy, dapat mag-isip-isip muna ang IATF sa kanilang pa-epal, hehehe! Ang nakababahala pa ay ang tila urong-sulong na pagdating ng bakuna at ang pananagutan ng pamahalaang Duterte sa maaapektuhan ng bakuna. Sabi pa ng ilan, walang ginawa si DOH secretary Francisco Duque III kundi magpapogi sa mga proyekto ng LGUs. Palaging “iwas pusoy” umano ang ginagawa nito kapag sumalto ang magiging resulta ng bakuna. Sa halip na siya ang pagkatiwalaan ni President Duterte sa pagbili ng bakuna ay si Sec. Carlito Galvez ang ginawang vaccine czar.

Kaya ang sigaw ng LGUs sa IATF, huwag munang ipatupad ang pagbubukas ng mga sinehan at arcade habang hindi pa dumarating ang mga bakuna na magsasalba sa mga Pilipino.

CINEMA IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with