^

Mga populista mahina sa panahong pandemya

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2021 - 12:00am

Pinalpak ng mga populista ang pamumuno kontra pan­demya. Minaliit ni Donald Trump ang COVID-19, nagpayo ng pagmumog ng disinfectant, at tinuya ang pagpi-face mask. Resulta: nanguna ang America sa dami ng naimpekta at namatay.

Nagpataw si Narendra Modi sa India ng isa sa pinaka-mahigpit na lockdown sa mundo. Nangawalan ng trabaho ang mahihirap at nagsiuwian sa nayon. Naging coronavirus­ hot­spots ang mga istasyon ng bus, at lalong kumalat ang sakit.

Trinato ni Jair Bolsonaro na ordinaryong sipon lang ang COVID at nagpayo ng mga maling gamot. Lumala ang pan­demya sa Brazil.

Kasing-bano si Andres Manuel Lopez Obrador sa Mexico.

Dineklara ni John Magufuli na nagapi na ang sakit sa Tanzania dahil sa himala ng langit. Pero sa gabi sila nagtambak ng mga bangkay sa sementeryo.

Sa Belarus pinayuhan ni Alexander Lukashenko ang mamamayan na uminom ng vodka at magmaneho ng trak­tora kontra coronavirus.

Lahat ng mga pinunong ‘yan ay tumalikod sa agham at mga eksperto, ani Robert Guest ng Economist Magazine. At lahat sila ay may palusot sa kapalpakan o gumawa ng kung anu-anong gimik.

Isinisi ni Trump lahat sa kalabang Democratic Party. Ibinintang ni Modi ang pandemya sa mga Muslim. Nama­hagi si Bolsonaro ng trak-trak na pera. Ibinintang nina Obrador, Magufuli at Lukashenko sa “mayayaman” at “oligarko” ang kalituhan ng mga mamamayan nila.

Sa Pilipinas nilibang ni Rody Duterte ang mga tao sa pagpapayo na magmumog ng gaas at maghugas ng diesel­ sa kamay. Nagkuwento ng malalaswa tungkol sa mga babae, at ininsulto ang mga kritiko. Lalo siyang naging­ popular: 90% sa mga surveys ng mga nawalan ng hanapbuhay.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with