^

PSN Opinyon

Wastong kaalaman, susi sa kaligtasan

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Habang papalapit na ang pagdating ng pinakahihintay nating COVID-19 vaccines, puspusang isinasagawa ng Lungsod ng Makati ang preparasyon ng vaccination sites at vaccine depots at mga kagamitan para rito. Ginagawa na rin ang mga information materials tulad ng videos, printed IEC materials, art cards at infographics sa social media, mga  signage, at iba’t ibang forms at materyales na gagamitin sa bawat hakbang sa proseso ng pagbabakuna sa ilalim ng programang Bakuna Makati.

Mahalagang masagutan nang tama at totoo ang forms, kasama ang Patient Information Sheet and Screening­ Ques­tionnaire, para sa kaligtasan ng bawat Makatizen na magpapabakuna, at ng frontliners na nagbibigay ng bakuna. Tandaang ang mga hinihinging impormasyon ay may kina­laman sa gagawing evaluation ng ating health professionals­ para matiyak na dapat kayong mabakunahan, bukod pa sa physical examination. Huwag ding mahihiyang magtanong tungkol sa bakuna dahil handa kayong sagutin at paliwanagan ng ating mga doktor.

Isa pang mahalagang form ang COVID-19 Immuni­zation Record Card na magtatala ng petsa ng pagtanggap ng una at ikalawang dose ng bakuna, kasama ang buong pangalan at mga detalye ng kapanganakan, edad, kasa­rian at address ng nabakunahan. Ilalagay din ang brand name ng bakuna at manufacturer nito, at ang pangalan at lagda ng vaccinator sa bawat petsa.

Matapos mabakunahan, ang pasyente ay oobserbahan muna sa nakatalagang holding area mula 30 minuto hanggang isang oras bago ito pauwiin. Ito ay upang matiyak na walang adverse reaction sa bakuna. Nakaantabay naman ang emergency medical teams para bigyan ng karampatang lunas ang sinumang mangailangan nito, at kaagad na dalhin sa ospital para magamot. Mayroong itatakdang express lanes sa Ospital ng Makati para sa ganitong mga kaso.

Paalala: Kahit ikaw ay nabakunahan na, sundin pa rin ang minimum health standards tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield sa labas ng bahay, at pagpapanatili ng isang metrong distansya mula sa isa’t isa.

Nauunawaan namin ang mga agam-agam at pag-aatubili ng ating Proud Makatizens sa nakatakdang malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19, kaya naman ginagawa namin ang lahat ng makakaya upang mapanatag ang inyong kalooban.

Hinihiling naman namin sa inyo na maging bukas ang inyong puso at isipan sa mabuting layunin ng Bakuna Makati, na katuwang ang pambansang pamahalaan sa pagsusulong ng inyong kaligtasan at kaunlaran. Bigyan sana ninyo ng sapat na panahon at atensiyon ang pagpapalalim ng inyong kaalaman tungkol sa bakuna, na inyong makukuha sa mga lehitimong website at social media accounts ng Department of Health. Antabayanan din ang mga susunod pa naming mga anunsiyo sa My Makati Facebook page at sa official website na www.makati.gov.ph.   Sa pagkakaroon ng tama at sapat na kaalaman, mas maraming buhay ang maililigtas.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with