^

Digong sa USA: ‘Bayad muna’

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2021 - 12:00am

Mukhang maganda ang panukala ni Presidente Duterte na singilin ng upa ang pamahalaan ng United States sa paggamit sa Pilipinas sa isinasagawang Visiting Forces Agreement (VFA). Sa tindi ng pangangailangan sa pana­nalapi ng bansa, lohikal na solusyon ito para matustusan ng bansa ang mga lumalaki nating pangangailangan kasunod ng pagdanas natin ng COVID-19 Pandemic.

Batid na ng daigdig ang galit ni Duterte sa Amerika at ang paglilipat sa alyansa natin sa Amerika tungo sa China. Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit hindi ipinoprotesta ang pang-aabuso ng China sa West Philippine Sea, lalo na ang bagong batas nito na nagsasaad na kahit aling bansa na mapapadpad sa naturang karagatan ay titirahin ng mga barkong pandigma ng China.

Anang Pangulo, ang VFA ay kapwa responsibilidad ng US at Pilipinas o “shared responsibility” kaya dapat lamang­ magbayad ng upa ang pamahalaan ng Amerika­ sa Pilipinas. Kung gagawin ito, mangangailangang amyen­­dahan ang Military Bases Agreement ng dalawang bansa­.

Matigas ang paninindigan ng Pangulo. Ayaw na niyang manatili pa ang VFA. Pero para sa ibang nangangatog sa ginagawang panduduro ng China, mahalagang manatili ang presensya ng Amerika sa rehiyong ito.

Kung seryoso ang Pangulo sa panukalang paniningil ng upa sa US, magandang alternatibo ito sa nauna niyang pahayag na kanselahin na ang VFA. Ginawa ng Pangulo ang statement nang dalawin niya sa Clark Airbase sa Angeles City ang mga bagong biling air assets ng Department of National Defense.

VFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with