^

PSN Opinyon

Vendors sa Divisoria, nag-iiyakan na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Happy Valentine’s mga kosa!

Umaabot pala sa P500,000 ang tara o tong na nakokolekta sa vendors araw-araw sa kahabaan ng Divisoria. Sigurado ako na walang alam si Manila Mayor Francisco Domagoso sa tong collection na ito dahil ayon sa kanya kapag bumalik ang vendors sa Divisoria tiyak kumita siya ng P5 milyon kada araw. Subalit dapat paimbestigahan ni Domagoso ang report na ito dahil kapag manatili siyang tahimik sa isyu, aba malaking dagok ito sa pangalan niya kung may plano siyang tumakbo sa national elections sa 2022.

Puwede namang iutos ni Domagoso ang pag-imbestiga sa close-in bodyguard niya at hepe ng Dagupan PCP na si Sgt. Gerry Tubera para hindi siya maligaw sa isyu. Dipugaaaa!

Teka nga pala! Di ba sa ilalim ng PNP law na R.A. 8551 dapat ang hepe ng PCP ay tenyente? Aba dapat ituwid ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas ang hayagang pagyurak ni Tubera ng batas ng PNP, di ba mga kosa?

Nag-iiyakan kasi ngayon ang vendors sa Recto, Padre Rada, Fulgueras, Sto. Cristo at Asuncion dahil sa sobrang lufet ng coordinators na sina Bong, Only, Baby Hikaw, Aling Vita at Ajestas brothers. Ang coordinator Mayor Domagoso Sir, ay pinabangong pangalan lang ng tong collector. Get’s mo Sgt. Tubera Sir?

Sa Recto lang eh umaabot na sa P82,000 ang koleksiyon kada araw at kapag idinagdag pa ang kaloob-looban na lugar sa Divisoria, aba malinis ang P500,000 tong na nakolekta. Get’s mo Mayor Domagoso Sir? Halos P80,000 kada araw ang napupunta sa opisyal ng PNP, na kung tawagin ng vendors, ay Mr. Lacoste. Dipugaaaaa!

Isinusumbong pa ng vendors na itong si alyas Rocky Tangkad, na nagyayabang na kumpare niya si Mr. Lacoste, ay hayagang nang-aagaw ng mga puwesto nila. Isa sa biktima ni Rocky Tangkad ay si Aleng Angheling, na hindi malaman kung paano na pakakainin ang pamilya niya.

Pinalabas lang ni Rocky Tangkad na nabili niya ang puwesto ni Aleng Angheling, sumbong ng vendors. Si Alyas Aries Buni naman ay nag-lie low muna dahil kalat na ang P200,000 extortion kay Alyas Rambo. Ano ba ‘yan?

Kumusta naman kaya sina Sgt. Ruede at Alyas Bunso, ang mga bagman ng Presinto Dos? Dipugaaaaaa!

Abangan!

vuukle comment

DIVISORIA

VENDORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with