^

Child car seat law hindi na sapilitan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2021 - 12:00am

TAMA lang na huwag gawing sapilitan ang paggamit ng espesyal na upuan para sa mga batang ang taas ay mas mababa sa 4’11. Pero dapat talagang obligahin ang madla na huwag paupuin sa front seat sa tabi ng driver ang mga maliliit na bata.

Marami ang pumalag sa bagong Motor Vehicle Ins­pection System, Mandatory Child Car Seat law kung kaya pinigil ni Presidente Duterte ang implementation ng batas. Ngunit ang aspeto na pagbawalan ang bata sa harapang upuan ng sasakyan ay dapat ipatupad nang sapilitan at parusahan nang naaayon sa batas ang mga lalabag.

Napakadelikado sa maliliit na bata ang umupo sa front seat ng sasakyan. Kapag nabangga ang sasakyan, Kahit pa may safety air bag ang kotse, sa liit ng bata ay puwedeng ma-suffocate ito kapag nadiin sa kanyang mukha ang lumobong airbag. Sa ibang maunlad na bansa gaya ng Amerika ay talagang estrikto ang ganyang pagba­bawal. Ang bata ay dapat nasa back seat para maalalayan ng nakatatanda.

Matagal nang available sa Pilipinas ang mga espesyal na upuang pambata sa mga kotse. May sarili itong safety belt para sa proteksyon ng maliliit na bata. Pero sa bagong batas na pinigil ng Pangulo, obligado ang lahat na bumibili nito. Kaya umaalma ang tao dahil dagdag na gastos ito para sa mga may maliliit pang anak.

Sa isang banda, maganda na mayroong ganitong espesyal na upuan sa mga kotse dahil baka minsan ay may umangkas sa ating kamag-anak o kaibigang may karay-karay na bata. Ngunit ang paggamit nito ay nasa diskresyon ng may kotse at hindi dapat gawing obli­gatory.

LTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with