^

PSN Opinyon

President Digong, murahin mo ang nasa likod ng online sabong!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

PARA madagdagan ang kita at sa gayon ay maraming maysakit na Pinoy ang matulungan, maglulunsad ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng isa pang lottery game. Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang bagong palaro nila ay web-based at online ang tayaan para sabayan nila ang lumalaganap na online sabong, na wala namang pakinabang ang gobyerno ni President Digong.

Nagsulputan kasi sa iba’t ibang bahagi ng Pinas ang online sabong, na sinisi ni Garma na naging dahilan sa pagbaba ng kita ng PCSO. Sinabi ni Garma na nasa kalagitnaan na sila sa kanilang preparasyon sa paglunsad ng naturang lottery game at maaring maikasa na ito sa 2nd quarter ng taon na ito. Hindi pa pinangalanan ni Garma ang bagong lottery game ng PCSO subalit iginiit niya na umuusad na ang paperworks nito. Dipugaaaaa!

Idinagdag pa ni Garma na magkaroon muna ng dalawang buwan na preparasyon bago buksan ang bagong palaro. Aniya, ia-advertise nila ang palaro nang sa gayon magiyahan ang mga mananaya kung paano ang operation nito.

“Maganda. Maganda ‘yung game,” ani Garma sa ginanap na prescon sa PCSO headquarters sa Mandaluyong City kamakailan. Para maengganyo ang mga Pinoy na tumaya sa bagong palaro, ang PCSO pa rin ang magbobola ng winning combinations nito. “We will control the drawcourts pa rin,” aniya. Dipugaaaa!

Sa panahon ng pandemya, ang PCSO ay kumita pa rin ng P18.63 bilyon ng nakaraang taon, subalit mas mallit ito sa P44.02 bilyon na kinita ng ahensiya noong 2019. Ang pinakamalaking kinita ng PCSO na P11.9 bilyon ay galing sa jackpot-bearing lotto games.

Hayagan namang sinisi ni Garma ang online sabong sa pagbaba ng kita ng PCSO at ipinaliwanag niya na walang mandato ang kanyang ahensiya na habulin ito dahil trabaho ito ng NBI at PNP. Nais kong linawin mga kosa na hindi sinabi ni Garma na patong ang NBI at PNP sa online sabong ha? Ano ba ‘yan? Dipugaaaaa!

Nagsulputan ang online sabong sa panahon ng pandemya at ang pinakamalaki sa ngayon ay itong sa magkaribal na gambling lords na sina Atong Ang at Bong Pineda. Kailangan na sigurong magmura si President Digong laban sa online sabong para gumanda ang kita ng PCSO nang sa gayon mas marami pang maysakit na Pinoy ang matulungan ng ahensiya. Abangan!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with