^

May karapatan pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2021 - 12:00am

AYON kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, ang bagong batas ng China kung saan pinapayagan ang kanilang Coast Guard na gumamit ng anumang paraan kabilang ang armas sa mga lumabag sa kanilang soberanya “ay maaaring magdulot ng mga maling kalkulasyon at mga aksidente.”

Sa katunayan kinakailangan lamang ng isang tao na literal­ na binibigyang kahulugan ang bagong batas upang simulang gamitin ang kanyang armas at magsimula ng kaguluhan. Ang ating mga lokal na mangingisda ay di­umano’y nakararanas na ng mas maraming panliligalig mula sa malalaking barkong coast gurad ng China itong mga nakaraang buwan.

Ang tanong ay kung barkong pandigma ng ibang bansa ang lumayag sa kanilang inaangking teritoryo, sisitahin o babantaan ba nila? 

Kamakailan lamang, isang submarino ng France ka­sama ang taga-suporta nitong barkong pandigma ang nagsagawa ng pagpapatrulya sa South China Sea. Walang naulat na sinita o binantaan sila ng Chinese coast guard pero siguradong hindi ito ikatutuwa ng Beijing. Palagi nilang kinondena ang anumang sasakyang-dagat, lalo na ang mga barkong pandigma na lumalayag sa karagatan sa ilalim ng freedom of navigation.

Nakakagulat na ngayon ay mga barkong pandigma mula France na napakalayo sa kanila ang nasa South China Sea. Pero ikinatutuwa ko ang kilos ng French Navy. Sa aking pagkakaalam ang mga barko ng Australia, Japan, at US ay plano rin na lumayag sa karagatan.

 Naaalarma nga si bagong AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana sa batas ng China na ito. Maganda nga ang kanyang ipinahayag na ang pakay ng ating ma­ma­mayan lumayag sa karagatan ay para maghanapbuhay at hindi makipagdigmaan. Nangako naman na gagawin ang lahat ng AFP para bigyan ng proteksiyon ang ating mga mangingisda sa pamamagitan ng karagdagang pagpapatrol sa karagatan.

May karapatan pa rin ang ating mga mangingisda na ipagpatuloy ang kanilang paghahanapbuhay nang walang takot o banta mula kaninoman. Tamang-tama at dumating na bansa ang pangalawang missile frigate, ang ipapangalang BRP Antonio Luna. Makakatulong ito para ipagtanggol ang ating mga interes sa karagatan.

 Nagpahayag naman si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin na “higit pa sa isang protesta” ang kanyang ihahain kung magkakaroon ng isang marahas na insidente dahil sa bagong batas na iyan. Sana ay huwag nga umabot diyan pero tulad ng binanggit ko sa simula, kinakailangan lamang ng isang panatiko upang magsimula ng kaguluhan.

Sa dami ng barkong pandigma na lumalayag sa South China Sea, posibleng magkaroon nga ng maling kalkulasyon at magsimula ang kaguluhan.  

COAST GUARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with