^

PSN Opinyon

Consumers, ingat sa endorsement ng vloggers

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kinasuhan ng Bureau of Immigration ang isang Taiwanese na nagngangalang Winnie Wong ng paglabag sa Immigration Laws at kawalan ng permit para magtrabaho sa bansa. Kilala si Wong bilang vlogger at influencer sa Pilipinas. Gamit niya ang alyas na Pene­lope Pop. Sa kanyang pagiging tanyag, nakakuha ito ng maraming endorsement projects mula sa kilalang brands sa bansa.

Nagkipagsosyo umano siya sa isang bantog na aktres para mag-manufacture at mag endorse ng paba­ngo at iba pang cosmetic products, pero walang permit mula sa Food and Drug Administration.

Nabuking ng FDA ang operasyon kaya nagpalabas ng warning ang ahesya laban sa ibinibenta nilang paba­ngong Pouf! Bukod sa walang lisensya, napag-alaman pa na posible itong nagtataglay ng delikadong sangkap at iba pang “heavy metals.”

Mismong si Immigration Special Prosecutor Emma­nuel Anthony Vera Jr, ang nagsampa ng deportation case kay Wong. Wala rin siyang permiso na magbenta ng cosmetics at walang lisensya mula FDA.

Pero bakit hanggang ngayon, ang FDA ay hindi pa rin kinakasuhan si Wong. Isa pa, bakit nananahimik ang Department of Trade and Industry? ‘Di ba’t trabaho nila na pangalagaan ang kapakanan ng mga ordinayong konsumer, lalo na sa mga tinaguriang influencers na ina­abuso ang kasikatan?

Huwag sanang palampasin ng mga awrtoridad ang ganitong klase ng panloloko.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with