^

PSN Opinyon

Tadhana ng masasamang lider: isusumpa hanggang libingan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Bago siya mamatay mahigpit na binilinan ni Alexander the Great ang mga heneral kung paano siya ililibing. Ninais niya na ihiga ang bangkay sa kalasag at ipasyal sa bayan – alaala ng pagiging mandirigma. Pero dapat daw ay wala siyang saplot, at ang mga kamay ay bukas na nakalaylay sa gilid – para maipakita na dumating siya sa mundo na walang ari-arian at wala rin siyang yaman na dala-dala sa hukay.

Sana pumulot ng aral kay Alexander ang ating mga pinuno. Marami sa kanila ang kung umasta ay tila walang kamatayan at hindi maglalaho sa kapangyarihan. Peligroso ‘yon sa kapalaran nila.

Nakamit nila ang puwesto sa pamamagitan ng panga­kong napako, at tinatawag pang utu-uto ang mga bumoto sa kanila dahil du’n. Nilalait nila ang mga katunggali sa pul­i­tika. Minumura ang sinumang salungat ang pani­ni­wala. Masama ang walang respeto sa pagkatao ng iba.

Nagnanakaw sa kaban ng bayan kasabwat ang mga kapartido, at binabalatuhan nang maruming kontrata ang mga nagpondo sa kampanya. Binabahagihan ng ninakaw ang mga heneral, huwes, at kongresista para panatilihin sila sa puwesto. Mali malulong sa maruming kayamanan.

Niluluklok ang asawa, anak, at kapatid para palawakin ang poder. Nandadambong nang bilyun-bilyong piso na hindi naman mauubos miski ng mga apo nila. Samantala, pinananatiling mangmang at palaasa ang taumbayan sa dynasties nila. Mali ang malango sa kapangyarihan.

Naukit ang pangalan ni Alexander sa kasaysayan ng mundo. Dahil ito sa kasimplehan at pagkumbaba, sa pagkilala na hindi yaman kundi mabuting palakad ang dapat niyang atupagin.

Kabaliktaran ang maraming pinuno natin. Walang hanggan ang pagkaganid. Akala ba nila rerespetuhin ang mga nitso nila? Mali sila. Duduraan, iihian, isusumpa ang kanilang mga libingan. Nararapat lang.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ALEXANDER THE GREAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with