^

P10,000 cash aid ilalargang ayuda

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2021 - 12:00am

Grabe talaga. Ibinunyag ni Presidente Duterte na mahigit dalawang bilyong piso ang nawawala sa bansa dahil sa pagkaparalisa ng mga negosyo at pagkabawas sa hanap­buhay ng taumbayan, iyan ay dahil sa pag-iral ng COVID-19 pandemic.

Talagang nilumpo ang ating bansa ng pandemic at ang pinakaapektado ay ang mga mararalitang Pilipino. Wika nga, hirap na, pinahirapan pa ng sitwasyon. Ang dinaranas na economic problem ngayon ay sinasabing sintindi ng nangyari matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Kaya naman isinusulong sa Kamara ng grupo ni dating­ Speaker Alan Peter Cayetano ang isa na namang programang tutulong sa ating mga kababayan na nalugmok ng COVID-19. Ito ang Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program. Dito’y bibigyan ng tig-Php1,500 ang bawat miyembro, pero hindi hihigit sa  Php10,000 sa bawat pamilya.

Kasamang naghain sa panukalang batas ang kabiyak ni Cayetano na si Rep. Lani Cayetano, dating Deputy Speakes Lray Villafuerte, Raneo Abu, Dan Fernandez, Bulacan 1st District Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado, at  Anakalusugan Partylist Cong. Michael Defensor.

Malaking ginhawa ito para sa ating mga kababayan lalo na at hindi pa tayo nakakabalik sa ating normal na pamumuhay dahil hanggang ngayon nandiyan pa rin ang CO­VID-19 at magsisimula pa lamang magbakuna ang ating bansa ngayong buwan o kaya sa Marso na sinasabing magpapatuloy hanggang tatlong taon. Dahil sa pandemya sumadsad ng -9.5% ang ating ekonomiya nung nakaraang taon.

Ani Cayetano, kapag maipasa ang panukalang batas ay lalakas ang household consumption, na makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya” na dumanas ng pinakatinding economic contraction mula nang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

CASH AID COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with