_ngayon
^

Mabigat din ang car seat, ano!

DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2021 - 12:00am

Walang question ang intention ng Child Car Seat Law na ito nga ay para sa kapakanan ng mga batang sasakay lalo na  ng kani-kanilang private vehicles.

At nitong huli lang ay dapat sana i-implement na ang Republic Act No. 11229, or the Child Safety in Motor Vehicles Act, which requires children to use child restraint systems (CRS) or child car seats that are appropriate for their age, height, and weight.

Ngunit dahil nga sa timing ng implementation nito na dapat ay noong February 2, lumabas ang daming issues na dapat magkaroon ng review and nasabing panukala. At pinasuspend na muna ang implementasyon ng Republic Act No. 11229 lalo na at nasa kalagitnaan tayo ng pan-demya dala ng COVID-19 virus.

Ito ang masaklap na may mga suggestions pa ang ilang mga mambabatas natin na dapat daw magdala ng sariling car seat ang mga magulang o sino mang may dala ng mga bata kung wala silang private vehicle at sasakay sila ng taxi, bus, jeep o di kaya ay trike.

Hoy! Naman! kung sino ang may ideya nitong magdala ng sariling car seat kung sakaling sasakay ng pampublikong sasakyan puwede ba mag-isip kayong mabuti.

Mabigat din ang car seat, ano! So, alin ang uunahin sa pagbitbit nito ang car seat o ang bata mismo? Ibig sabihin  nito sabay na tangan-tangan ang car seat at ang baby. Alam n’yo ba kung gaano kahirap ang sitwasyong ito para sa mga magulang o guardians ng mga bata na magbibitbit ng mabigat na car seat at sabay karay-karay ang bata?

Kailangan talaga ng isang masinsinang review ng RA 11229 bago ito ipasakatuparan dito sa Pilipinas. Huwag naman kayong masayadong nangungopya sa ibang bansa gayong iba naman ang sitwasyon natin dito sa ating bansa. Mag-isip naman kayo!

CHILD CAR SEAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with