^

Oposisyon tutol sa ‘No Face-to-face Campaign’

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Philstar.com) - February 6, 2021 - 12:00am

PARA sa oposisyunistang si Sen. Francis Pangilinan, tutol siya sa plano ng COMELEC na ipagbabawal ang face-to-face campaign sa darating na 2022 national elections. Kaya naman ipinanukala ito ay dahil sa umiiral pang COVID-19 pandemic.

Ako ay pabor sa panukalang pagbabawal kung mayroon pang pandemyang umiiral pagsapit ng 2022. Pero kung kontrolado na talaga ang situwasyon pagsapit ng halalan, dapat nang pahintulutan ito. Wika nga, nothing is better than the people meeting the candidates in the flesh.

Kung walang face-to-face campaign, kawawa ‘yung mga lesser known candidates na walang pananalapi para mag­­lunsad ng national campaign thrust gamit ang social media­, tele­bisyon, radyo at pahayagan. Mayroon ngang social media pero kahit ito ay posibleng makopo ng mga kandidatong sagana sa perang pambayad sa kanilang campaign stra­tegies.

Kung paniniwalaan natin ang mga reports tungkol sa pandemic situation, mukha namang wala nang nakikitang pagtaas sa kaso ng mga kinakapitan ng karamdaman. At kapag nagsimula ang mass vaccination, maaaring mag-normalize na ang situwasyon at puwede nang payagan ang pakikipagsalamuha ng tao sa isa’t isa. Pero kailangan pa ring susunod sa itinakdang health protocols. 

Tinataya nga ng National Economic and Development Authority na sa papasok na buwan, malamang luluwagan na ang ipinatutupad na quarantine rules lalo na sa Metro Manila.

Para kay Pangilinan, ang pagtitipon ng hanggang 30- katao ay dapat pahintulutan basta’t ang mga organizer ng rally ay mahigpit na tatalima sa mga alituntuning pang­ka­lusugang itinakda ng pamahalaan. Tapos, ang mga kan­di­datong lalabag daw sa protocols ay idiskuwalipika sa pag­takbo.

Ang social media ay maganda sanang alternative pero nakita natin na kahit ito ay puwedeng manipulahin, gaya nang hantarang paglipana ng mga bayarang trolls na pumapanig sa isang kandidato nagbabayad sa kanila.

COMELEC FRANCIS PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with