^

PSN Opinyon

Jueteng ni Neth sa Caloocan, sarado na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

CLOSE-open pala ang jueteng ni Neth sa Caloocan City. Kasi mga kosa ni-raid ng mga operatiba ng Criminal Inves­tigation and Detection Group noong nakaraang linggo ang mga butas ni Neth, at pito katao ang naaresto.

Subalit matapos mag-alisan ang mga CIDG agents, aba bomolang muli itong managament na sina alyas Boyong at Dennis. Hanggang sa ngayon, ang pitong mga em­pleyado nina Boyong at Dennis ay nakakulong pa sa CIDG detenton cell sa Camp Crame matapos makasuhan sila ng illegal gambling sa Caloocan prosecutor’s office.

Siguro itinuloy nina Boyong at Dennis ang jueteng nila para makakuha ng pampiyansa. Kaya lang, hindi naman nagpahuli ang Caloocan police at ni-raid din nila ang puwesto ni Boyong sa Congressional Village Bgy. 175 sa Ca­marin at ang kay Dennis naman sa Phase 3 Bgy. 176 sa Bgy. Bagong Silang.

Hayun, sarado na naman ang jueteng ni Neth at ang naiwang tulala sa likod ng rehas na bakal sa CIDG ay ang pitong empleyado nila na mukhang tinakbuhan na sila. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Anong say mo Northern Police Disrict director Brig. Gen. Nelson Bondoc Sir?

Kung sabagay, hindi lang naman sa Caloocan may jueteng kundi maging sa Muntinlupa City kung saan ang management naman ay si alyas Toce. Sa pagkaalam ng mga kosa ko, si Toce rin ang nasa likod ng bookies ng STL sa Laguna.

Ang management sa Tunasan ay si alyas Walter, at sa ibang lugar naman ay sina Boy Arojado, Tisay, at Josie at bangka nila ay si alyas Michael. Ang resulta ng jueteng nina Michael at Toce ay galing sa winning combination ng STL sa Laguna. Dipugaaaa!

Lumalakas naman ang laban ng PnB sa southern Metro Manila at umaabot na sa P2 milyon ang kubransa nila araw-araw, anang mga kosa ko. Sa Paranaque ang management ay si alyas Joy na bino-bookies din ang kubransa n’ya, sa Taguig si JunJun, si Olan sa Makati at Popeye sa Pateros.

Ano kaya ang role ni Madam X dito sa mga pasugalan sa SPD? Alam kaya ni NCRPO intelligence chief Col. Hansel Marantan ang lakad ni Madam X? Dipugaaaaa!

Sa Taguig may ibang laban si alyas Jun Laurel, at tatlong bangka na ang nahingan niya ng isang manok. Para lumakas ang kubransa niya, may isang kaban ng bigas ang kubrador tuwing may tatama. Abangan!

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with