^

Face-to-face campaign Ipagbabawal ng Comelec

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2021 - 12:00am

Siguradong mas malaking papel ang gagampanan ng social media nitong darating na 2022 national elections. Ipagbabawal ng Commission on Elections ang mga cam­paign rallies at face-to-face na pangangampanya. Ito’y maliban na lang marahil kung sa susunod na taon ay tuluyan nang matutuldukan ang COVID-19 pandemic na sa tingin ko ay malabo pang mangyari.

Ayon kay James Jimenez, spokesman ng Comelec, ipagbabawal ang direktang pamamahagi ng mga campaign materials o ano mang political activity na mangangailangan ng harap-harapang pakikisalamuha ng mga tao. Tama ang hakbang pero sa unang tingin ay may disadvantage sa mga kandidatong walang sapat na pera.

‘Yung mga walang campaign funds pero karapatdapat sa posisyon ay umaasa lamang sa person-to-person inter­action para makilala. Hindi nila kayang maglabas ng poli­tical ads sa diyaryo, radyo o telebisyon na manganga­ila­ngan ng bilyones na halaga para sa buong campaign season.

Puwede nila itong gawin sa social media para ilatag at ipaalam sa madla ang kanilang plataporma. Posibleng  limitado lang ang maaabot ng mga kandidato maliban na lang kung magbayad sila sa FaceBook para sa mas malawak na exposure ng kanilang ads.

Pero naniniwala rin ako na ‘yung mga karapat-dapat na kandidato, kahit walang campaign fund ay susuportahan mismo ng netizens. Kahit limitado ang kayang abutin ng kanilang account, ‘yung ibang netizens na rin ang gagalaw para maging viral ang kanilang exposure sa social media.

Social media ang pinakamalakas na influence factor sa tinatawag na cyber age. Ito ang masasabi nating nagluklok sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno kay Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City na walang national clout subalit nagawang makilala ng buong Pilipinas dahil sa social media.

Panawagan lang sa mga netizens, dapat pa ring pakasuriin ang karakter at kalidad ng bawat kandidato kahit pa sa unang tingin ay magaling sila para hindi tayo magsisi sa bandang huli.

COMELEC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with