^

Double face mask napaka-weird

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2021 - 12:00am

Para sa akin, ang pagsusuot ng dobleng face mask dahil­ sa pagkakaroon ng bagong variant ng COVID-19 ay isang napaka-weirdo na panukala. Pero iyan mismo ang proposal ng ilang medical experts sa daigdig sa pangunguna ni Dr. Anthony Fauci, kinikilalang medical adviser ng Estados Unidos.

Ibig sabihin ba nito, tuwing magkakaroon ng mutation­ ang corona virus ay dapat dagdagan ang sapin sa mukha? Kung may apat na variants, apat na face mask din ang isusuot? Mabuti na lang at naniniwala ang ating Department of Health na hindi kailangang gawin ito.

Maaaring hindi nga tayo mahawa ng COVD-19 pero baka ang ikamatay natin ay asphyxiation o pagkapugto ng hininga. Sa ngayon, obligado tayo na bukod sa face mask ay magsuot din tayo ng face shield upang maiwasan ang pagkahawa o makahawa kung taglay natin ang nasabing virus.

Sa totoo lang, simula nang gumamit ako ng face mask at face shield, nagkaroon ako ng sumpong ng pagkahilo o vertigo. Kahit ang kaibigan natin at kapwa kolumnista sa pahayagang ito na si Dr. Willie Ong ay umamin na sa unang pagkakataon, nakaranas siya ng vertigo bagama’t hindi niya sinabing ito ay dahil sa paggamit ng face mask.

Komo iyan ang itinakdang health protocol ng ating pama­halaan, sinusunod natin ito bagama’t ito ay napaka-inconvenient para sa ating lahat. Pero tanggap natin na dapat magsakripisyo. Tama ang obserbasyon ng DOH na ang pagsusuot ng isang face mask at face shield ay napatunayan nang epektibo kahit pa nasa bansa na ang tinatawag na UK variant.

Sa isang banda, kung matutuloy ang panukalang obligahin ang lahat na magsuot ng double face mask, dodoble rin ang produksyon at demand ng face masks. Hindi ako magtataka kung darating ang punto na ang mga eksperto ay magrerekomenda ng partikular na brand ng face mask.

FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with