^

When the damage is done

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2021 - 12:00am

ANG hirap sa maling akusasyon, nakasisira ito ng reputasyon. Sinibak na nga ang nanira, pero nagkaroon ng batik ang University of the Philippines na inakusahang re­cruit­ment zone ng mga komunista. Kaya kung may hinala­ kang gumagawa ng palso ang sino man, magsiyasat muna at alamin ang totoo bago isapubliko. Ang intelligence department ng gobyerno ay walang karapatang magka­mali. Malaking kahihiyan sa panig ng pamahalaan lalo pa’t makagagawa ito ng monumental blunder.

Inalis na sa tungkulin ni Defense Secretary Delfin Lo­renzana si AFP Chief of Staff for intelligence Major Alex Luna dahil sa palpak na listahan ng mga kasapi ng New Peoples Army na namatay daw sa enkuwentro sa militar. 

Kabilang sa talaan ang diumano’y ilang estudyante ng University of the Philippines. Mga “recruits” daw ng NPA ang mga naturang estudyante. Lumilitaw sa pagsisiyasat na mali-mali ang mga pangalang nakalista at ‘yung mga sinasabing namatay ay buhay na buhay.

Napakalaking budget ang inilalaan sa intelligence ope­rations na mula sa bulsa ng mga mamamayang nagbabayad ng buwis, tapos puro kapalpakan ang ginagawa? Ayaw kong isipin na para may maipangalandakan lang na accomplishment ang sangay na ito ng militar ay magiimbento na lang.

Natural lamang na magprotesta ang pamunuan ng UP dahil ito’y seryosong alegasyon na naging mitsa pa ng terminasyon ng tatlong dekadang kasunduan nito sa pama­halaan na hindi puwedeng pumasok ang pulis at militar sa campus ng unibersidad nang walang abiso sa pamunuan ng UP.

Tama lang na nasibak si General Luna komo siya ang hepe ng intelligence na naglathala pa sa FaceBook ng naturang listahang nakawasak sa reputasyon ng mga isinasangkot na tao. Sabi ni Lorenzana, ito ay isang pagkakamaling hindi puwedeng patawarin o “unforgivable lapse”.

AFP UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with