^

Mukhang malinis pero marungis?

GO NORTH - Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2021 - 12:00am

Bakit marami sa mga pulitiko ang akala mo’y malinis ngunit ‘pag sinuri’y magugulat ka sapagkat marungis pala?

Gaya nitong umabot na sa Norte at iba pang dako ng Pilipinas na mga kinakaharap ni Camarines Sur second district Congressman LRay Villafuerte?

Una, inimbestigahan ng Commission on Audit (COA) ang paglilipat ng pondo sa isang non-government orga­nization na kung saan ay isa diumanong opisyal si Con­gressman. Ang pondo umano ng CamSur na halagang P24,751,139 ay hinihinalang inilipat sa Camarines Sur Kaogma Foundation Inc. (CKFI) sa pagitan ng Agosto 2005 at Mayo 2006.

Ang naturang P24.75 milyon ay nakalaan upang buha­yin ang turismo ng kanyang lalawigan, ngunit nang di­uma­no’y mailipat sa CKFI ay hindi na malaman kung nasaan na ang pondo.

Kabilang sa kinasuhan ng COA, bukod kay Congressman na noo’y gobernador, ay sina dating provincial budget officer Fortunato Peña at dating provincial accountant Leticia Aliorde.

Sa panahong iyon, si Congressman ang chairman ng CKFI Board of Trustees, si Peña ang presidente at si Aliorde ang treasurer?

Ipinag-utos na ng COA sa mga opisyal na isauli ang nasabing pondo at nakatakda na rin itong magdesisyon sa kasong paglabag sa RA 7160 (Local Government Code), RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) at RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kasalukuyan ding humaharap si Congressman sa San­diganbayan ng three counts ng graft kasama sina Jeffrey Lo, proprietor ng Naga Fuel Express Zone, na operator ng Petron station kaugnay sa iregularidad sa pagbili ng fuel supply para sa lalawigan.

Tinitingnan ng Korte kung totoo ngang walang public bidding sa tatlong pinasok na kontrata ng CamSur na inaprubahan noong 2010.  Ayon sa record, ang una ay P5 million noong January 22; P5 million sa pagitan ng January 7 at 23; at P10 million noong Abril 7 ng nasabing taon.

Ibinasura na rin ng Sandiganbayan noong Agosto 8, 2018 ang Motion for Leave to File Demurrers to Evidence ng kampo ni Congressman at Lo at idineklarang nakapagprisinta ang prosecution ng sapat na ebidensiya upang ma-convict ang mga akusado.  Ibinasura rin ng Korte ang motions for reconsideration ng mga akusado sa pagsasabing makade-delay lang ito sa proceedings.

Kung mapatunayang pinal ng Korte ang mga ibinabatong paratang kay Congressman, nag-iisa lamang ba siyang sinasabing pulitikong malinis tingnan ngunit may nakakubling karungisan? Sinu-sino pa?

COA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with