^

Bakuna sa puwet

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

Actually, wala tayong pakialam kung gustong ilihim ni President Duterte ang kanyang pagpapabakuna ng anti-COVID vaccine. Katuwiran niya hindi niya ito puwedeng gawing public event dahil magpapaturok siya ng bakuna sa pigi o puwet. Oo, desisyon niya iyan na hindi natin dapat pakialaman.

Pero tama lang naman na magbigay ng opinyon ang mga malayang mamamayan kaugnay nito dahil si Duterte ang Presidente ng Pilipinas at dapat, siya lagi ang nangu­nguna sa lahat ng mga maseselang kampanya sa bansa tulad ng kontrobersyal na pagpapabakuna. Leadership by example.

Sa harap ng takot ng taumbayan sa posibleng masa­mang epekto nito, dapat lang mangunang magpabakuna ang leader ng bansa para mapawi ang ano mang pangamba­. Kung ang pagpapaturok ng Pangulo ay gagawing pribado at walang malalantad na video sa telebisyon o larawan sa mga pahayagan, puwedeng isipin ng taumbayan na siya ay natatakot din sa bakuna.

Wala rin namang masama kung magiging tapat ang Presidente at sabihing dahil sa kanyang edad, hindi na ad­vi­sable para sa kanya na bakunahan pa. Tiyak ko na ma­una­waan iyan ng mamamayan pero ang downside ay, wala na ring magpapabakunang senior citizens.

Isa pa, narinig ko sa isang himpilan ng radyo ang pana­­yam sa isang doktora na nagsabing hindi advisable para sa may edad na ang pagpapabakuna sa puwet. Sa mga matatanda raw, may sensitive nerve na puwedeng tamaan at maaaring umurong ang isang paa ng taong matu­­tu­rukan.

Pero tulad ng nasabi ko, malaya ang Pangulo sa ano mang desisyon para sa kanyang sarili ngunit may posib­leng adverse effect sa mga mamamayan para hindi mahi­kayat sumali sa mass vaccination.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with