^

PSN Opinyon

Masamang kultura nang walang pakialam!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakababahala ang video na natanggap ng BITAG mula Lupon, Davao Oriental. Makikita ang isang lalaki na nakadapa habang ang isa’y nasa ibabaw at tinutuhod siya sa ulo.

Tipikal na ang bayolenteng eksena. Ang kakaiba, nanonood lamang ang mga tao sa paligid, walang barangay tanod na rumesponde’t umaawat.

Para bagang masasabi mo may kultura ng kawalan ng pakialam (apathy) ang komunidad. Walang pakialam kesehodang may aktuwal ng krimen na nangyayari.

Walang umaawat, tahimik lamang na nakati-ngin habang may halos mamatay na sa bugbog na indibiduwal. Nakakatakot ang lantarang kawalang-bahala.

Kinumpirma ng barangay na walang tumawag sa kanila para ireport ang nangyaring gulo kaya walang rumesponde. Alas kuwatro ng hapon nangyari ang kaguluhan.

Ayon sa hepe ng Lupon Police Station, ang lala-king binubugbog ay dayo lamang sa lugar. Lasing daw itong dumating sa kanilang barangay at may sinirang kuntador.

Here comes the hero, marunong umanong mag-martial arts, binanatan ang lasing na kolokoy. Nang makausap ko, sagot niya: “Sir self-defense lang po.’’

Kahangalan ang pumatol sa baliw sa alak. Imbes na tumawag sa otoridad, inilagay ang batas sa kanyang kamay.

Paliwanag naman ng pulis, binitbit nila ang dalawa sa police station. Ang bugbog saradong biktima, pinauwi at pinakuha ng medico legal – all by himself.

Ang nambugbog, pinauwi rin dahil inaantay ang pormal na reklamo raw ng biktima. Strike 2, malaking katangahan!

Sapat na ang video para gawing ebidensiya sa nangyaring krimen. Eh ang mga tunggak, pinauwi pareho ang nambugbog at binugbog.

Ang ending, direct filing. Eto ang resulta ng masamang kultura ng pagwawalambahala, pag-ayon sa harapang karahasan.

Ang punto ko, turuan n’yo ang mga residente at komunidad diyan sa Lupon, Davao Oriental na mangialam, magreport sa kinauukulan kung may nakikitang krimen gaya nito.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with