^

Patuloy tayong maghanda para sa isang tunay na #SafeMakati

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Napakalaki na nang ipinagbago ng ating pamumuhay sa Makati simula nang pumutok ang pandemya. Masaya akong makitang naging mas maingat, malinis sa katawan, at mas concerned sa kanilang kalusugan at kaligtasan ng komunidad ang ating #ProudMakatizens.

Ngunit nais ko pa ring ipaalala na hindi tayo dapat huminto sa ating paghahanda para sa panahon ng sakuna, kalamidad, o iba pang emergency tulad ng lindol at sunog. Parte at realidad ito ng buhay na hindi natin mape-predict kung kailan mangyayari.

Ngayong may pandemya, naging mas kumplikado at mas mahirap ang pagtugon sa mga nasalanta ng sakuna. Kapag may mga kailangang ilikas at dalhin sa evacuation centers ay kailangan pa ring sundin ang physical distancing guidelines at public health protocols.

Kailangan ng masusing pagpaplano at dagdag na pagsasanay para sa ating first responders at mga lider ng mga komunidad, hindi lamang para sa mga taong kanilang ililigtas, kundi para na rin protektahan ang kanilang mga sarili.

Unang termino ko pa lamang, naging prayoridad na ng aking administrasyon ang pagsulong ng resilience at di­saster preparedness para sa lahat ng Makatizens. Bata man o matanda ay tinuruan naming maging handa at alerto sa dapat gawin kapag may sakuna o kalamidad.

Bukod sa maigting na information drive sa mga ba­rangay, training ng responders sa buong lungsod at moder­nisasyon ng kagamitan at sasakyang pantugon sa kalamidad, binigyan din namin ang Makatizens ng kagamitan para sa personal nilang kaligtasan.

Nagpamahagi kami ng libu-libong Go Bags at hard hats para sa ating mga mag-aaral sa public schools, gayundin sa mga kabayahan sa tinatawag nating “danger zones” na dinaraanan ng West Valley Fault.

Natapos din namin kamakailan ang pamamahagi ng emergency kits para sa 8,232 empleyado ng City Hall at mga kawani ng pambansang pamahalaan na naglilingkod sa Makatizens. Bawat 72-hour emergency kit ay naglalaman ng limang moist towelettes, dalawang SOS water pouches, dalawang 12-hour light sticks, isang food bar, isang thermal blanket, isang N95 Respirator Mask, isang ID card holder na may lanyard at emergency card.

Batid naming mahalaga na mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga lingkod-bayan dahil sa kanila nakasalalay ang kapasidad ng pamahalaang lungsod na makapaghatid ng kritikal na serbisyo sa mga Makatizen sa gitna ng krisis at kalamidad.

Samantala, anim na bagong ROSENBAUER IVECO Penetrator Fire Trucks ang ibinigay namin kamakailan sa dalawang Fire Stations sa Makati upang maging mas mabilis at epektibo ang kanilang pagresponde sa sakuna.

Wala akong ibang hangad kundi ang ibayong kaligtasan, kalusugan, at pag-unlad ng bawat Makatizen. Sa patuloy nating pagtutulungan kaya nating paghandaan at lampasan ang mga unos at sakuna

MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with