^

UP ‘pugad ng rebelyon’?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Kung totoo ang alegasyon ng militar, nakalulungkot talaga na ang isang pamantasang pinopondohan ng pamahalaan mula sa buwis na ibinabayad ng taumbayan ang siyang pinangmumulan ng mga rebeldeng komunista na ang layunin ay wasakin ang pamahalaan.

Pinalagan ng mga matataas na opisyal ng University of the Philippines ang akusasyon ng militar na kinukun­sinti at sinusuportahan ng pamunuan ng pamantasan ang gawain ng mga komunista na magrecruit ng mga miyembro sa unibersidad. Maaari ngang hindi. Pero katulad din iyan ng mga fraternity organizations na patuloy na umiiral sa mga pamantasan kahit madalas may napapaulat na pag­kamatay ng mga neophytes na sumasailalim sa initiation.

Sabi ni UP president Danilo Concepcion, ang mga gan­yang alegasyon ay nagsasapanganib sa buong faculty at staff, pati na sa mga estudyante ng UP, dahil wala naman daw matibay na ebidensya. Binigyan diin pa ni Atty. Conception na kailan man ay hindi kukunsintihin o susu­por­tahan ng UP ang ano mang gawain ng karahasan, tero­rismo o pananakot bilang political action.

Kung taos sa kalooban ng pamunuan ng UP ang ga­ni­­tong pagpapabulaan, ito dapat ang gumawa ng pagsi­si­yasat at hakbang upang matigil na ang ano mang posib­leng aktibidad ng mga Komunista sa naturang pamantasan. Dapat lang na gawin nila ito bilang pagmamalasakit sa imahe ng unibersidad. Iyan naman ay kung hindi sila mga lihim na komunista.

Huwag lang basta isaisantabi ang posibilidad na mis­mong sa mga faculty members ay may mga card bearing­ communists at sabihing sinungaling ang pamahalaan sa pag-aakusa. Kung kailangan ang malalim na imbestigas­yon, suportahan at tulungan ang gob­yerno sa pagsasa­gawa nito.

Hindi nga ba maramng kilalang lokal na communist leaders, kasama na si Jose Ma. Sison ang produkto ng UP? Kahit ang Moro Rebel na si Nur Misuari ay magtapos din sa UP. Sana, sana lang makipagtulungan ang mismong management ng UP para mapawi nang tuluyan ang paniniwala ng marami na ang pamantasan ay pabrika ng rebelyon.

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with