^

PSN Opinyon

Agawan ng mag-asawa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Sa Article 147 ng Family Code, kapag ang isang lalaki at isang babae ay may kapasidad na magpakasal at esklusibong namuhay bilang mag-asawa kahit pa sa ilalim ng isang kasal na walang bisa ay may karapatan na pantay na paghatian ang lahat ng naipundar nila mula sa kanilang sikap at tiyaga. Ang lahat ng ari-arian ay ituturing na pantay nilang pagmamay-ari. Sa pagpapatupad nito, ang isang partido na hindi sumali sa pagpupundar ng ari-arian ng kabila ay kinukunsidera pa rin na tumulong sa pamamagitan ng pag-aalaga at pag-aasikaso sa pamilya at kabahayan. Ang batas na ito ay ginamit at ipinaliwanag sa kaso nila Ramon at Nida.

Kasal sina Ramon at Nida. Nagkaroon sila ng tatlong menor de edad na anak, sina Betty, Naty at Rita.  Pagkatapos magsama sa loob ng isang dekada ay lumayas si Ramon at iniwanan ang mag-iina. Dalawang taon pagkatapos nilang maghiwalay ay nagsampa ng petisyon si Ramon sa RTC, Branch 144, upang mapawalambisa ang kanilang kasal dahil sa psychological incapacity o diperensiya sa isip ni Nita.

Ang petisyon ay pinagbigyan ng RTC pagkalipas ng limang taon. Parehong dineklarang may psychological incapacity sina Ramon at Nita kaya daw hindi nila magampanan ang tungkulin nila bilang mag-asawa. Nang maging pinal ang desisyon pero nanatiling nakabinbin sa RTC, Br. 144 ang usapin sa paghahati ng kayamanan, pagbibigay ng mana ng mga bata at partihan ng mag-asawa.

Pagkatapos nito, nalipat sa RTC Br. 136 ang kaso kung saan nagsampa ng mosyon si Nida tungkol sa presyo ng pinaghahatian na ari-arian tulad ng bahay at lupa sa isang esklusibong village, condominium unit, club membership, stocks sa dalawang kompanya (realty), kotse, painting ng kilalang mga artista, muwebles at mga libro. Kinontra naman ni Ramon ang paghahabol ng dating asawa. Ang bahay at lupa pati daw condo ay pawang nakasangla at siya lang ang solong nagbayad sa utang pagkatapos nilang maghiwalay kaya walang karapatan rito si Nida.

Pero pinagbigyan pa rin ng RTC Br. 136 ang mosyon ni Nida. Itinuturing daw kasi na pantay nilang paghahatian ang mga ari-arian dahil walang ebidensiyang naipakita si Ramon upang patunayan na solong pag-aari niya ang mga ito. Pagkatapos utusan si Nida na magbigay ng bond na P50,000 ay dinagdagan ng korte ang buwanang halaga ng suportang tatanggapin ni Nida mula P175,000 ay naging P250,000 base sa estado ng kalusugan ni Nida at ang nakasanayang buhay ng mga anak nila pati batay na rin sa pinansyal na kapasidad ni Ramon.

Inakyat ni Ramon ang usapin sa Court of Appeals pero binasura ito. Ayon sa CA ay pagkakamali lang sa desisyon o “errors in judgment” ang nangyari at hindi kamalian sa kung sino ang may jurisdiction sa kaso. Kaya parang kinatigan ng CA ang RTC. Tama ba ang CA?

MALI ang CA, Ayon sa Supreme Court. Kung tutuusin daw ay napawalang-bisa na ang kasal nina Ramon at Nida dahil sa psychological incapacity dahil nga hindi nila kayang gampanan ang mga obligasyon nila bilang asawa. Ang batas na umiiral (Art. 147 Family Code) ay halaw lang sa dating batas (Art. 144-1950 Civil Code). Pero tandaan natin na ang Art. 147 ay patungkol lang sa mga ari-arian na nakuha noong umiiral pa ang kanilang kasal. Ibig sabihin, kahit nabili ng hulugan o inutang habang nagsasama pa sila.

Sa kasong ito, ang bahay at lupa ay nabili habang kasal sila kaya ituturing na pantay ang karapatan nila Ramon at Nida.  Pero hindi posible ang pantay na hatian dahil nga naghiwalay ang mag-asawa na hindi pa tapos bayaran ang utang sa bahay, lupa at condo. Ang parte ni Nida ay dapat na doon lang sa kung magkano ang nabayaran na bago sila naghiwalay. Dahil nga napawalang bisa na ang kanilang kasal ay wala na tayong pag-uusapan na pamilya o tahanan. Ang paratang ni Nida na kinuha rin sa napundar nilang pera ang ipinambayad sa utang ay dapat na mapatunayan muna.

Sa kabilang banda, ang obligasyon na suportahan ang bawat isa ay humihinto sa oras na maging pinal ang desisyon na nagpapawalang-bisa sa kasal.  Ang obligasyon lang ni Ramon ay ang suportahan ang kanyang tatlong anak mula sa araw na iyon. Pero sa oras na mapatunayan ni Ramon na nasa hustong gulang na ang dalawa sa tatlo niyang anak ay nawawala na rin ang karapatan ni Nida na maghabol ng suportang pinansyal.

At nang isampa ang petisyon ay umabot na rin sa hustong gulang ang bunso nilang anak ay wala na talagang tungkulin si Ramon na magbigay ng sustentong P250,000.00 kay Nida. Hindi mawawala kay Ramon ang karapatan na hilingin sa korte na bawasan ang buwanang sustento ng dating asawa lalo at hindi naman nagiging pinal ito.

Ayon sa SC ay hindi ito tagalitis ng katotohanan. Ang kaso ay dapat ibaba sa mababang hukuman para sa tamang pagtutuos, pagtanggap ng ebidensiya at determinasyon sa pagmamay-ari at parte ng ari-arian ng bawat isa. Ang desisyon ng CA ay binabaliktad at isinasantabi (Paterno vs. Paterno, G.R. 213687, January 8, 2020).

vuukle comment

BETTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with