^

Mayroon pa ring hindi naniniwala sa COVID-19

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

Umaabot na sa 2.06 million ang death toll sa COVID-19 sa buong mundo at 415,000 dito ay mga namatay sa United States.

Ngunit ang total number ng COVID-19 cases sa buong mundo ay nasa 96.2 million at may recoveries naman na 53.1 million.

Isang taon na nating hinaharap ang COVID-19 at patuloy pa ring pinaiigting ang health safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, pag­huhugas ng kamay at ang social distancing upang ito ay maiwasan o masugpo.

Ngunit patuloy na lumolobo ang kaso ng COVID-19 dahil nga may mga tao na hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala sa pandemia. Kesyo nga raw ito ay isang malaking negosyo na pinagkakitaan ng mga gahaman na ekonomiya ng mundo.

Paano pa ba ito pagkakakitaan kung bumabagsak ang ekonomiya at mga industriyang bumubuhay sa sangkatauhan.

Milyun-milyon na ang nawalan ng trabaho at namamatay ngunit hindi pa rin nakasisiguro na makararating sa kinauukulan ang pinakamimithing bakuna – mapa-Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Sinopharm o Sinovac man.

Ilang ulit na rin akong napaaway dahil sa kagustuhan kong protektahan ang mga mahal ko sa buhay, aba sinasagot ba naman ako “na walang COVID at hindi totoo ang COVID!’’ Ayaw nilang sumunod sa health protocols. Nakakadismaya at nakakainis talaga.

Kung akala natin ay sa US o sa United Kingdom at ibang mga bansa lang ang may mga matitigas ang ulo na ayaw sumunod sa health protocols, mayroon din dito mismo sa sarili nating mga pamamahay at bakuran.

Sakit nga sa ulo.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with