^

5 pulis arestado sa ilegal na droga

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

SUNUD-SUNOD ang magagandang accomplishment ng Philippine National Police (PNP). Patunay na tinutupad nila ang sinumpaang tungkulin na paglilingkuran at po­protektahan ang mamamayan.

Gaya nang ginagawa ni B/Gen. Ronald Lee, hepe ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) at kanyang mga tauhan na sunud-sunod ang pagsala­kay sa mga big time drug pushers sa Metro Manila. Dala­wang drug pushers ang napatay nina Lee sa Lawton, Maynila at nasamsam sa mga ito ang P25 milyong halaga ng droga. Nagkaroon muna ng habulan hanggang makorner nina Lee ang mga drug pushers. Nakipagpalitan ng putok ang mga ito hanggang mapatay ng mga pulis.

Samantala, napatay ng PDEG ang Nigerian national na si Emmanuel Christopher Chukwuma, miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS), matapos manlaban habang nasa isang motel sa Pasig City. Nakuha kay Chuk­wuma ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon, buy-bust money at 9mm pistol. Si Chuk­wuma ay taga-Angeles City, Pampanga at nagtago sa Pasig­ matapos mapatay sa buy-bust operation sa Tarlac­ ang kanyang kababayan na si Gabriel Onyechefula noong Dis. 31, 2020.

Ang Makati Police sa pamumuno ni Col. Harold Depo­sitar ay nagsagawa naman ng buy-bust operation kung saan nalambat ang apat na katao na kinabibilangan nina Marvic dela Cuesta, Daryl Ace Parungo, Jamil Bura at Frank Lawrence dela Cruz sa Kalayaan Ave., Bgy. West Rembo, Ma­kati City. Nasamsam sa mga ito ang P6 na mil­yong ha­laga ng droga.

Samantala, nasa hot water ngayon si Col. Depositar matapos magreklamo ang pamilya ng flight attendant na si Cristine Dacera, dahil sa mishandling of evidence. Sa totoo lang, hindi naman si Depositar ang may pakana sa pagka-washout ng evidence sa crime scene at sa cadaver ni Dacera dahil ang mayhawak nito ay ang mga taga-Scene of the Crime Operative (SOCO) ng Southern Police District.

Kaya ang kabutihang ipinakita ng kapulisan ay biglang nalaho at nalagay na naman ang imahe ng PNP sa masamang sitwasyon.

Samantala, limang pulis ang inaresto ng Criminal investigation and Detection Group (CIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang salakayin ang isang shabu laboratory sa Finback St. Subic Bay Freeport Zambales.. Nakumpiska ang 300 grams ng shabu, cell phone, baril at equipment sa paggawa ng shabu. Ang mga naaresto ay sina Lt. Reynato Basa, Cpl. Gino dela Cruz, Cpl. Edeyr Victor Alipio, Cpl. Godfrey Duclayan Parenyela at Cpl. Jericho Dabu.

Kailangan pa bang masangkot sa droga ang mga pulis na ito e supertaas na ang suweldo na ipinagkaloob sa kanila ni President Duterte?

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with