^

Katumbas na panganib

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

MAY pagsusuring ginawa ang mga propesor ng University of Cambridge kung saan ang pag-uusap sa mga loobang lugar ay nagdadala ng katumbas na panganib sa pag-ubo sa pagkalat ng COVID-19. Hindi ligtas ang tumayo ng dalawang metrong layo at walang face mask sa taong positibo para sa COVID-19. Parang umuubo na rin ang taong nagsasalita.

Kaya hangga’t maaari ay iwasan na nga muna ang mga lugar sa loob ng mga gusali, kainan, malls at iba pang lugar na hindi maganda ang bentilasyon. Mas ligtas pa rin ang mga lugar na nasa labas. Kung talagang gustong kumain sa restaurant, piliin siguro ang mga mesang nasa labas imbes na nasa loob kung meron. Iwasan ang lugar na marami nang tao. Kung may tindahan na nais pasukan sa mga mall, hintayin na muna mabawasan ang tao sa loob kung hindi mahigpit ang tindahan sa dami ng taong pinapapasok.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pa mabuksan ang mga sinehan, museo at iba pang lugar sa publiko. Sa ngayon, tumawid na ng 10,000 ang namatay dahil sa COVID-19. Higit na rin sa kalahating milyon ang nagpositibo. Nagtala ng higit 1,800 ang nagpositibo noong Miyerkules. Kaya napakahalaga ang magsuot ng face mask kapag lumabas na ng bahay, kahit panandalian lamang.

Hindi ko nga maintindihan ang ibang bansa. Marami na ang kaso ng COVID-19 sa kanila pero tila hindi obligado magsuot ng face mask o ayaw lang talaga. Sa Europe, nagiging malaking problema na naman ang dumaraming kaso. May mga babalik na nga sa lockdown at may mga siyudad na nagtatalaga ng curfew. Sa Amerika, numero uno pa rin sa dami ng kaso at namatay.

Nanumpa na si Joe Biden bilang bagong President kaya tingnan natin kung mas maayos ang kanyang paghawak sa krisis ng COVID-19 sa kanila. Epektibong bakuna pa rin ang tanging solusyon pero naaantala sa kung anu-anong mga isyu at kontrobersiya, kasama na ang konting patawa. Sana nga at makuha ng mga LGU ang kanilang mga suplay ng bakuna mula sa iba’t ibang kompanya. Mga bakuna na pinili nila dahil sa kanilang mataas na epektibo.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with