^
EDITORYAL - House-to-house vaccination

EDITORYAL - House-to-house vaccination

(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

Maganda ang balak ng Department of Health (DOH) na house-to-house vaccination sa mga matatanda at may mga kapansanan. Pero dapat maging maingat ang DOH ukol dito lalo pa at may napabalitang mga namatay na matatanda sa Norway­ makaraang mabakunahan. Ina­alam pa ang pangyayaring ito kung ang bakunang itinurok ang sanhi ng pagkamatay ng mga matatanda na sa unang report ay may mga dati nang sakit at nasa home for the aged. Pfizer ang ginamit na bakuna sa mga matatanda.

Inihayag ni DOH Secretary Francisco Duque III nang dumalo sa pagdinig ng House Committee on Health na bahagi ng kanilang plano ang pagbahay-bahay na pagbabakuna para sa mga taong walang kakayahang magtungo sa mga itinakdang vaccination centers. Kabilang nga sa mga ito ang mga matatanda at person with disabilities (PWDs) at iba pa na lubhang delikado na kung mag­tutungo pa sa vaccination centers sapagkat maaaring mahawa ng virus. Ang mga matatanda ay madaling dapuan ng sakit.

Maganda ang balak na ito sa mga matatanda at may kapansanan. Tinatayang may 10 milyong senior citizens sa bansa ang mababakunahan kapag dumating na sa bansa ang bakuna. Ayon kay Duque, maaaring sa Marso ay dumating na ang inaasam na bakuna at tuluy-tuloy na ang pagbibigay nito sa mamamayan. Hindi naman binanggit ni Duque kung anong bakuna ang gagamitin sa mamama­yan. Una nang sinabi ni vaccine czar Garlito Galvez Jr. na nakipag-deal na ang pamahalaan sa Pfizer­ at hinihintay na lamang ang approval. Nang dumalo sa Senate probe, sinabi ni Galvez na ang deal sa Sinovac ay hindi pa pinal at maaari pang ma-scrapped. Ang mga local government units (LGUs) naman na may kakayahang bumili ng vaccine ay may kanya-kanya nang order. Karamihan sa LGUs ay nakipag-deal sa AstraZeneca.

Magandang marinig na may mga nilalatag nang plano ang DOH para sa vaccinatin program. Mas makabubuti kung sisimulan na rin ng DOH ang pagbibigay ng sapat na inpormasyon sa publiko na may kinalaman sa bakuna para maiwasang matakot o mangamba. Ang maliwanag na pagbibigay ng kaalaman sa mamamayan sa panahong ito kaugnay sa bakuna ay lubhang mahalaga. Hindi maiaalis na may matakot sa bakuna sapagkat sariwa pa sa alaala ang kontrobersiya sa Dengvaxia na mga bata ang sinasabing biktima.

COVID-19 VACCINE DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with