^

Pagdating sa dulo

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

Kung dati’y bulong-bulungan lang ang mga balitang bakuna laban sa COVID-19, ngayon ay bukambibig ng lahat ang iba’t ibang uri na nasa merkado. Hindi lamang ang presyo at bansang pinanggalingan ang detalyang alama. Pati ang presyo nito bawat turok, ang storage requirement na kung gaano kalamig na freezer ang kaila­­ngan, ang bisa kapag nasa room temperature, ang posib­leng side effects ng bawat isa.

Ang lahat ng bagay-bagay na ito ay lantad na sa ka­­alaman ng publiko. Dapat din lang. Dalawa ang dahilan­ nito. Una, pagdating sa bakunang aangkatin ng pamaha­laan – maging mula sa kaban ng pamahalaang national­ o local­ – ang malaking mayorya nito ay mismong mga buwis natin ang pagkukunan. Gaya ng sinabi ni Senadora Grace Poe, karapatan nating maging pihikan dahil tayo rin naman ang gagastos. May mangilan-ngilan na donasyon mula sa pribadong sektor.

Pangalawang dahilan, na mas mahalaga, ay dahil sa huling pagtutuos, tayo rin ang magdedesisyon kung mag­papabakuna o hindi. Gaano man kalaking perwisyo ang pag­plano ng vaccine program, ang tagumpay nito ay nakasalalay sa kahandaan nating magpaturok.

Sa karanasan ng mga bansang nauna, may mala­king sektor ng bawat lipunan na tutol talaga sa pagbakuna. Maaring hindi sila kumbinsido na 100% na mapapagaling­. Kaya ang bentahe ng bawat isang brand ay maingat na sinusuri at sinasala ng pampublikong opinyon. Mayroon ding ilan na labag sa kanilang relihiyon ang pagpaturok ng anumang bakuna.

Hanggang sa oras na ito, wala pa tayong nalalamang komunidad sa buong kamunduhan kung saan puwer­sado ang mga tao na magbakuna. Subalit hindi malayong mangyari na umabot tayo sa ganung punto at sakaling humantong doon, may malakas na pinanghahawakang batayan sa batas. Sa Amerika ay nangyari na ito noong 19th Century kung saan mandando ng Estado ang pagbakuna laban sa smallpox. Kinuwestiyon ito sa Supreme Court at ang sagot ng mga mahistrado ay mas matimbang ang interes ng kalusugan ng komunidad kaysa interes ng isang mamamayan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with