^

Bakunaphobia

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

Alam natin na kapag may bagong karamdaman na dulot ng bagong sulpot na virus, mahalaga ang bakuna para mapangalagaan ang buhay at kalusugan ng tao.

Ngunit bakit natatakot ang marami nating kababayan na magpabakuna lalo pa’t kung ang gagamitin ay ang vac­cine na gawa sa China? Sa totoo lang, gawa man sa China, America o Europa ang bakuna, palagi itong may kaakibat na panganib.

Maraming taon palibhasa ang ginugugol bago maka­tuklas ng ligtas at epektibong bakuna, pero dahil sa higpit ng pangangailangan sa harap ng lumulubhang pan­de­mia, kailangan apurahin ito. Wika nga, ngayon ay mayroon nang Chinese vaccine, American vaccine at European vaccine pero ang lahat ng Iyan ay pulos “Rush-yan vaccine.”

Kamakailan, may mga napaulat nang pagkamatay, lalo na ng ilang senior citizens na nabakunaan ng anti-COVID vaccine sa ibang bansa. Sa ating bansa ay wala pa dahil hindi pa naman nasimulan ang mass vaccination prog­ram. Nakapagtataka nga na sa ibang bansa ay matagal nang umarangkada ang vaccination, sa atin ay patuloy pa rin ang mga balitaktakan at pagtatalo kung kaya hindi masimulan ang pagbabakuna.

Kaya upang mapawi ang agam-agam ng tao, iniha­yag ni Presidente Duterte na handa siyang maging unang tatanggap ng bakuna para patunayang ligtas ito. Ganyan din ang ginawa ng ibang world leaders tulad ni Indonesian President Widodo.

At kung masimulan man ito, baka marami sa ating mga kababayan ang umiwas sa bakuna dahil sa labis na pa­ngamba sa magiging epekto ito sa kalusugan. Kaso, dahil sa mga nakapanghihilakbot na balita tungkol sa posib­leng masamang side-effects ng vaccine, marami ang nata­takot magpaturok nito. Hindi naman masisisi ang tao kung mayroon man silang pangamba.

Ako mismo ay may second thought sa pagpapabakuna dahil baka masama ang epekto nito sa isang Senior na kagaya ko.

BAKUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with