^

Kumilos ka, Sec. Duque!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

PANGAMBA ng ilan kong kababayan, baka kumalat na naman daw ang bagong COVID variant kung magpapatumpik-tumpik si DOH Secretary Francisco Duque III.

Kung inyong matatandaan, nang unang pumasok ang COVID sa bansa noong 2020 hindi nakapaghanda ang DOH. Dahil dito, mabilis na kumalat ang virus at sa kasalukuyan, 500,577 na ang kumpirmadong kaso. Dapat magkumahog si Duque dahil dito.

Ngayong kumpirmado nang nakapasok ang COVID variant, kailangang makapaghanda ang DOH para hindi na umabot sa pagdeklara muli ng enhanced community quarantine si President Duterte. Said na kasi ang pondo ng pamahalaan para tustusan ang pagpapagamot ng mga nagka-COVID na nasa mga ospital at quarantine facilities.

Hindi pa nga nahuhusgahan ng korte ang mga nagbulsa ng limpak-limpak na datung na kinurakot ng mga barangay chairman sa SAP, ito na naman ang banta ng variant na nakaambang manalasa kung hindi babanta­yan ni Duque.

Kaya ngayon pa lang marami na ang sumisigaw na kumilos naman si Duque at hindi pa puro papogi sa press­con at sa harap ni Digong. Kung hindi kikilos ang DOH, asahan­ ang pagkalat ng COVID variant na magdudulot nang kapa­hamakan sa bansa.

Sabi ni Sen. Grace Poe, kung tatamad-tamad ang DOH, malamang na ipatupad na naman ang lockdown at magi­ging pahirap ito sa taumbayan. Sinabi pa ni Poe na batay sa budget ng Kongreso, merong sapat na pondo ang pamahalaan na nakalaan sa contact tracing, medical equipment at vaccines.

Dahil sa bagong variant dapat maging mahigpit ang pagpapatupad ng safety measure ng gobyerno at maging­ maingat ang mamamayan lalo na ang mga pumapasok sa kani-kanilang trabaho.

Nilinaw ni Poe na malaking problema kung hindi kaagad mabibigyan ng solusyon ang variant lalo na sa naghihingalong ekonomiya. Malamang na hindi na kayanin ng gobyerno kung tuluyang kakalat pa ang variant.

Siguradong mga simpleng empleyado na naman at maliliit na negosyante ang tatamaan kung hindi masusugpo ang variant.

Dagdag pahirap ito sa taumbayan at malamang na dumami pa ang bilang ng mga mamamatay sa variant. Tayo na mismo ang kumilos para maiwasan ito, huwag muna tayong lumabas kung hindi naman mahalaga. Abangan.

DOH FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with