^
EDITORYAL - Ibayong paghihigpit vs COVID variant

EDITORYAL - Ibayong paghihigpit vs COVID variant

(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

Nakapasok na ang variant ng COVID-19 sa bansa. Dala ito ng isang Pinoy na galing United Arab Emirates. Ang isang magandang balita, bago pa man nakalabas ng NAIA ang Pinoy, na-swab test agad siya at nang magpositibo, ay deretso na sa isolation center. Ayon sa Department of Health (DOH), hinahanap na ang mga nakasalamuha ng lalaki habang nasa eroplano. Hinihikayat din ng DOH ang mga pasaherong nakasabay ng lalaki sa eroplano na magkusa nang lumapit sa DOH para maisailalim sa swab test at makagawa nang tamang hakbang para hindi kumalat ang bagong variant. Unang nadiskubre ang variant sa United Kingdom noong Disyembre 20 ng nakaraan taon at sa isang kisap-mata, kumalat na agad sa ibang bansa gaya ng South Africa.

Ang nakapagtataka ay kung bakit hindi agad naibilang ang UAE sa travel ban na pinag-utos ng pamahalaan. Anong hakbang ang ginagawa ng DOH? Nagkamali na naman ba sila gaya nang nakaraang taon na hinayaang makapasok nang makapasok ang mga dayuhan kahit mayroon nang advisory ng “misteryong sakit” mula Wuhan, China. Kumilos lamang ang DOH nang makapasok na sa bansa ang babaing Chinese at nakapagliwaliw na sa Cebu City. Ang kasunod niyon ay ang mabilis na pagkalat ng virus na nagdulot nang masamang bangungot sa mamamayan.

Ngayong nasa bansa na ang bagong COVID variant, dapat isama na sa travel ban ang UAE sapagkat posibleng may makapasok pang carrier nito. Huwag na sanang urong-sulong pa ang DOH. Ang mabagal na pagpapasya ukol sa nakahahawang sakit ang naglalagay sa bansa sa kumunoy ng dusa.

Nasa 35 bansa na ang isinailalim na sa travel ban. Kabilang pa sa mga binawalan ang United States at China. Hindi pa ibinibilang ang UAE sa kabila na mayroon nang nakapasok na variant. Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang tsansang patawan ng travel restriction ang UAE. Hinihintay na lamang daw ang pasya ni President Duterte ukol dito.

Huwag nang mag-atubili pa sa pagpapasya. Gawin ito sa lalong madaling panahon para wala nang makapasok pang variant sa bansa.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with