^

Sara, nanununtok sa publiko; Tatay niya sa loob ng kuwarto

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

Sampung taon na pala ang nakararaan nang suntukin ni presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio ang isang court sheriff dahil sa pagtanggi nito sa kanyang hi-ling na dalawang oras lang na palugit bago ipatupad ang isang court order para sa demolition ng affected area sa Barangay Monteverde dito sa Davao City.

Humingi si Sara ng palugit na dalawang oras dahil nga abala siya sa pag-asikaso sa may higit 30 ka taong namatay at ang maraming nawalan ng tahanan dahil nga sa baha ng nagdaang gabi,

Ngunit pagdating ni Sara sa Barangay Monteverde si-nimulan na ng sheriff ang pagpatupad ng court order para sa demolition.

Doon pumutok si Sara at talagang hindi niya maitago ang galit sa sheriff dahil hindi nga siya pinagbigyan sa kanyang reasonable namang hiling.

Talagang nakuha naman ng video camera ng iba’t ibang TV stations ang panununtok ni Sara na pinalakpakan ng mga nakapaligid na tao.

Ganun katapang si Sara lalo na pag ang pag-usapan ay ang kapakanan ng tao.

Ngunit iba naman ang tatay niyang si President Duterte na talagang matapang din lalo na sa salita at walang inu­urungan. Lahat ay mahahagip kapag pumutok din ang galit. Pag nag-apoy sa galit si President Duterte, walang makakapigil kung ano ang gusto niyang sabihin. Wala siyang pakialam.

May kuwento ako kung paanong si President Duterte e minsan may binugbog nga ngunit sa loob naman ng kanyang opisina na kung saan wala kaming ibang naririnig kundi ang tunog lang ng pambubugbog.

Ang pambubugbog ng Presidente, na noon ay mayor pa ng Davao City ay naganap sa loob nga ng silid niya sa City Hall at malayo sa mata ng mga tao. Walang nakakakita.

Ngunit may isang common denominator lang ang mag-ama – kapwa sila maawain kahit paano. No question about that. Dahil pagkatapos na mambugbog ang Presidente, na dating city mayor, agad niyang inutusan ang kanyang mga close-in guards na bigyan ng bagong t-shirt at nang makapagbihis ang nasabing tao.

Ganundin si Sara. Ang alam ko na pagkatapos ng insidente sa Barangay Monteverde, agad niyang pinasamahan sa kanyang close aide din ang Sheriff upang. magpagamot sa ospital at inutusan silang dumiretsong Gaisano Mall upang bumili ng “shades” para matakpan ang anumang pasa sa mukha nito.

Alin ang naiiba sa mag-ama na kapwa naman abogado.

SARA DUTERTE-CARPIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with