^

Smuggling ng COVID-19 vaccines sa Subic?

GO NORTH - Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2021 - 12:00am

Nasabat ng Bureau of Customs (BoC) noong Enero 9 sa Subic port ang 11 refrigerated container vans na naglalaman ng pinaghihinalaang COVID-19 vaccines.

Idineklarang mga gulay ang laman ng mga van at naka-consign sa Saturnus Corporation, isang importer ng sariwang prutas at gulay na nakarehistro sa Bureau of Plant Industry (BPI) ng Department of Agriculture na naka-base sa Pasig City.

Naamoy ni BoC District Collector Marites Martin ang kargamento at inutusan ang Assessment and Operations­ Division ng BoC Subic na imbestigahan ang llegal na importasyon ng COVID-19 vaccines na walang pahintulot ng Food and Drugs Administration (FDA).

Inutusan din ang mga kagawad ng BoC Subic na i-hold ang kargamento at idaan sa XRay at imbestigahan kung paano ito nakapasok sa Subic Port. 

 Pumasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon.

 Mananagot kaya ang mga salarin sa loob at labas ng BoC, iba pang ahensiya ng pamahalaan at mga smuggler na sangkot sa gawaing ito?

Nakasigurado ba tayong walang unang lumusot na kargamento maliban sa gulay at prutas ng Saturnus Corporation? Paano kung mayroon at nasa kamay na ng mga ganid na hangad ay magkamal ng tubo?

Kung mapatunayang smuggled COVID-19 vaccines ang kargamento ng Saturnus Corp., ano ang kahihinatnan ang mga matuturukan nito? 

Paano naman ang epekto ng mga ganitong ilegal na gawain sa pagtanggap ng mamamayan sa bakuna kontra COVID-19?

Sa kalaunan, ang mamamayan pa rin, lalo ang mga mahihirap, ang maaapektuhan ng illegal na gawaing ito. Lalo na at usaping kalusugan ito.

Ang mas malaking tanong, bakit sa napakatagal na panahong naririnig ang smuggling ng kung anu-anong kargamento sa seaports at airports ng bansa mula sa Cagayan hanggang Jolo, hindi ito masawata?

* * *

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com   

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with