^
EDITORYAL - Dapat maging choosy sa bakuna ang mamamayan

EDITORYAL - Dapat maging choosy sa bakuna ang mamamayan

(Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

Huwag daw maging pihikan at choosy sa brand ng bakuna ang mamamayan, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Bagama’t may kara­patan daw ang lahat na magkaroon ng mabuting kalusugan, hindi naman daw dapat maging pihikan ang mga babakunahan. Ayon kay Roque, maraming Pilipino ang dapat bakunahan kaya hindi dapat maging pihikan. Hindi maaring mamili dahil hindi naman pipilitin ang mga ayaw magpabakuna. Kaila­ngan din daw lumagda sa waiver ang ayaw magpabakuna lalo na’t kung kasama ito sa listahan ng mga prayoridad na babakunahan.

Idinagdag pa ng Spokesman na hindi makokontrol ng gobyerno kung ano ang mga darating na bakuna kaya hindi dapat maging pihikan o mamili ang mamamayan. Walang pilian sapagkat libre naman daw ang bakuna.

Maraming kumontra sa sinabi ni Roque. Ilang doctor ang nagpahayag na hindi dapat pigilan ang mamamayan sa pagpili sa gustong bakuna. Hayaan daw ang mga babakunahan ang pumili sa vaccine at hindi kung ano ang gusto ng pamahalaan.

Ganito rin ang opinyon ng League of Cities of the Philippines na hayaan ang local government units (LGUs) na pumili ng brand ng vaccine na para sa kanila ay naaangkop sa kanilang constituents. Mara­ming LGUs ang kayang bumili ng bakuna kaya dapat hayaan ang mga ito sa gusto nila. Mayroon naman silang pondo.

Una nang sinabi ng pamahalaan na marami namang bakunang pagpipilian kaya hindi naman siguro masama kung makapili ang mamamayan nang ituturok sa kanila. Kabilang sa mga hinihintay na bakuna ay ang Pfizer, AstraSeneca, Johnson & Johnson at mga bakuna na gawa ng Sinovac at Sinopharm.

Hindi dapat sabihan ng pamahalaan ang mamamayan na huwag maging choosy. Hindi maganda ang pananalitang ito. Hindi naman uubra ang mga pahayag na ito sa mga mayayaman na kayang bumili ng brand ng bakuna na kaya nila. Hindi rin naman nakakatiyak kung ang mismong mga taong gobyerno o mga Cabinet member ay susunod sa sinabi ni Roque na huwag maging choosy sa bakuna na ituturok sa kanila. Baka ang piliin nilang brand ng vaccine ay ‘yung alam nilang epektibo at dumaan sa trial.

Hayaang magpasya ang mamamayan sa ituturok sa kanila. Dapat mamili sila kung ano ang nararapat para sa kanila. Lahat ay may karapatang pumili.

BAKUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with