^

PSN Opinyon

Abalos, bagong MMDA chief

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG dating mayor ng Mandaluyong City na si Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang napili ni President Digong na bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Si Abalos ay nag-take oath kagabi kay Digong sa Palasyo, ayon kay Sen. Bong Go. Pinalitan ni Abalos si MMDA chairman Danilo Lim na pumanaw kamakailan dahil sa heart attack. Si Abalos ay anak ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos Sr. Nana­nalaytay talaga sa dugo nitong batang Abalos ang pagsilbi sa bayan, ‘di ba mga suki?

Hindi naman nagkamali sa pagpili sa batang Abalos si President Duterte dahil maliban sa abogado ito ay bihasa na ito sa larangan ng trabaho dahil ilang beses din siyang nahirang na mayor ng Mandaluyong City. Take note mga suki ha? Walang gustong lumaban sa batang Abalos tuwing local elections dahil sa accomplishments niya bilang mayor. Get’s n’yo mga suki?

Mapapalaban nang husto si Abalos sa MMDA dahil ang unang trabaho niyang gagawin ay ang paglutas ng sobrang trapik sa lansangan ng Metro Manila, tulad ng sa EDSA. Su­balit dahil naging operational na ang Skyway Stage 3 kung saan nagkonekta sa SLEX sa NLEX, maaring mabawasan nang malaking bilang ang mga sasakyan na gagamit ng EDSA. Kaya sa mga lugar na lang kung saan may lusutan­ sa Skyway Stage 3 ang maaring magkaroon ng trapik subalit madali nang magagawan ng paraan ‘yan ng MMDA sa lide­rato ni Abalos, di ba mga suki?

Bilang dating mayor, alam na rin ni Abalos kung paano patakbuhin ang MMDA dahil palagi naman silang nakahalu­bilo ng mga dating chairman nito. At madali na ring makipag-dialogue si Abalos sa mga mayors sa Metro Manila lalo na’t ang asawa niyang si Menchie Abalos ang mayor ngayon sa Mandaluyong City. Nasa tamang direksiyon si Duterte sa pagpili kay Abalos na maging lider ng MMDA dahil sa experience niya sa trabaho at maging sa pulitika. Get’s n’yo mga suki?

Si Abalos ay ilang termino ring naging mayor ng Mandaluyong City at sa ilalim ng liderato niya ay naging “Tiger City” ang siyudad dahil sa mga programa na sinimulan niya. Nagkukumahog ang mga negosyante na pumasok sa Mandaluyong dahil business friendly ito, lalo na sa aspeto ng one-stop shop sa pagkuha at pag-renew ng business permits, di ba Bro. Jimmy Isidro?

Naging congressman din si Abalos ng siyudad mula 2004 hanggang 2007 at city councilor mula 1995-1998. Naging presidente rin siya ng Union of Local Authorities of the Philippines League of Cities of the Philippines mula 2007-2010. Kung tutuusin hindi magkasya sa pahina na ito kapag binanggit ko ang lahat ng accomplishments ni Abalos, di ba Bro. Jimmy?

Sa kanyang FB page naman, pinasalamatan lahat ni Abalos ang well-wishers niya at maging si President Duterte na nagtiwala sa kakayahan niyang pamunuan ang MMDA. Good luck sa iyo MMDA chairman Abalos Sir. Abangan!

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with