^

Jueteng sa Cavite, gumaganda ang kubransa!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2021 - 12:00am

Mukhang wala nang makapipigil sa jueteng sa Cavite kung totoo ang pinagyayabang ng kapitalistang si John Yap at management na si Jun Alvaran na P1.25 milyon ang payola nila sa isang pulitiko sa probinsiya. Gumaganda kasi ang kubransa ng jueteng nina Yap at Alvaran kaya noong Disyembre 15, milyones ang ganansiya ng pulitiko. Dapat alamin ni Cavite Gov. Jonvic Remulla kung sino ang pulitiko na nagbigay basbas sa jueteng nina Yap at Alvaran at baka mabukulan siya.

Sa unang dalawang linggo na jueteng sa Cavite, 10 porsiyento sa kubransa ang mapupunta sa cabo, 3 porsiyento sa local management samantalang 1 porsiyento naman sa Cavite group. Get’s n’yo mga kosa? Siyempre, kung meron ang pulitiko, natural lang na magkaroon din ang kapulisan dahil sa kasabihan na “it takes two to tango.” Magkano kaya ang para kina Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad at Cavite provincial director Col. Marlon Santos, ha kosang Rico Posadas Sir? Dipugaaaaa!

Sinabi ng mga kosa ko sa Cavite na ang kubransa ng jueteng nina Yap at Alvaran noong Disyembre 15 sa Gen. Trias ay umabot sa P250,069; Naic P231,558; Silang P239,990; Rosario P100,300; Carmona P80,250; Cavite City P100,440; Indang P120; Alfonso P150,141; Tagaytay City P120,986; Amadeo P50,800; GMA P50,000; Ternate P50,250; Dasmariñas P100,906; Mendez P90,429; Tanza P180,600; Maragondon P80,700, at Manggahan P70,441. Di masamang kubransa sa unang mga linggo ng jueteng nina Yap at Alvaran, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Kanya-kanyang gimik lang talaga!

Para naman sa kaalaman ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas ang payola nina Yap at Alvaran para sa mga lokal na kapulisan ay: Naic P12,500; Tanza P25,000; Silang P30,000; General Trias P35,000; Carmona P12,000; Dasmariñas P12,000; Bailen P6,000; GMA P10,000; Imus P7,000; Indang P20,000; Kawit P3,000; Magallanes P15,000; Maragondon P14,000; Mendez P15,000; Alfonso P18,000; Tagaytay P20,000; Amadeo P8,000; Ternate P6,500; Bacoor P5,000, at Cavite City P7,500. Dipugaaaaa!

Dapat ipadala na ni Gen. Sinas ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Cavite para windangin ang kapulisan na hayagang lumalabag sa no take policy niya sa illegal gambling. Dipugaaaaa! Abangan!

JUETENG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with