^

PSN Opinyon

Pagbakuna sa PSG dapat imbestigahan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAPAT pa nga kayang isalang sa masusing pag-iimbes­tiga ng Senado si Presidential Security Group (PSG) com­mander Brig. Gen. Jesus Durante dahil sa pag-amin nito na nabakunahan na laban sa COVID-19 ang kanyang mga tauhan? Kung si Health Sec. Francisco Duque III naman ang tatanungin ukol dito, tiyak na wala siyang alam.

Sang-ayon ang sambayanan na ipursigi nina Senators Richard Gordon at Franklin Drilon ang pag-imbestiga kay Durante upang malaman kung saan nanggaling ang bakunang naiturok sa PSG members at kung paano ito naipasok sa bansa. At malamang makakaladkad na naman si Duque dahil malaki ang kanyang responsibilidad dito dahil sakop niya na mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayang Pilipino. ‘Di ba mga suki?

Sa mga nakaraang panayam kay Duque wala umano siyang alam kung sino ang nagturok sa PSG members dahil hindi niya saklaw ang pagpapatakbo sa mga sundalo sa Palasyo. “Tandu-tando’ lamang siguro si Duque sa Gabinete ni Digong, hehehe! Kung may kamandag si Duque sa administrasyon ni Digong, tiyak na may bas­bas muna siya bago isakatuparan ang pagbabakuna para maiwasan ang pangamba ng sambayanan sa kahihinatnan­ ng PSG.

Dapat namang isiwalat ni Durante ang nangyaring pagbakuna sa kanyang mga tauhan upang malaman ng sam­bayanan ang katotohanan. Tama lang naman na maging ligtas ang security ni Digong sa COVID-19 para sa kapa­kanan ng Presidente. Subalit kailangan din naman na nasa tamang proseso. Dapat lumabas ang katotohanan kung paano naipasok sa bansa ang bakuna.

Una nang sinabi ni Defense secretary Delfin Lorenza na smuggle ang bakunang naiturok sa PSG at mga sundalo ng Philippine Army. Kung smuggle, paano nakalusot sa Customs. Dito sa isyu ng smuggling ay ang Customs na naman ang nakikitang may kapalpakan.

Noong nakaraang taon, pinatawag ni Digong sa Malacanang ang mahigit 50 opisyales ng Customs dahil sa pagkakasangkot sa smuggling. Pinagsisibak ni Digong ang mga ito at kinasuhan. At ngayong inamin ni Lorenzana na smuggled ang pinambakuna sa PSG, may mananagot kaya. Kung magkakaroon ng imbestigasyon sa Senado ukol sa bakuna, dapat lamang isalang sina Duque at Durante upang malinawan ng sambayanan ang  lahat. Mawawala ang pangamba ng mamamayan sa bakuna laban sa COVID-19 kung nasa tamang proseso ang pagbakuna sa PSG. Hindi basta-basta usapin lang ang pag-amin ni Durante na kusang loob nila ang pagbakuna!

vuukle comment

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with