^

Secretary Año, legal ba o ilegal ang jueteng sa Cavite?

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2021 - 12:00am

Dapat maglabas ng dokumento ang bangka ng jueteng sa Cavite na si John Yap para suportahan ang pamimilit niya na legal ang kanyang negosyo. Hanggang sa ngayon kasi, puro boka lang ang bangka na si Yap at ang management niya na si Jun Alvaran na legal sila subalit ni isang ahensiya ng gobyerno ni President Digong ay walang lumitaw para akuin sila.

Ang masama lang n’yan mga kosa, naniwala sina Cavite Gov. Jonvic Remulla, Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad at Cavite provincial director Col. Marlon Santos sa laway nina Yap at Alvaran. Magkano...este paano?

Si Interior Secretary Eduardo Año kaya ano ang stand niya sa jueteng sa Cavite? Dapat magsalita na si Año kung legal ba o ilegal ang jueteng sa Cavite kasi ang napupuruhan ay relasyon niya kay Natividad, di ba mga kosa? Dipugaaaa!

Malinaw naman sa sikat ng araw na kapag online gaming ang may saklaw ay ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ni chairwoman Andrea Domingo, si Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma sa gaming products ng PCSO tulad ng Small Town Lottery (STL) at si Games and Amusement Board (GAB) naman ni chairman Baham Mitra sa horseracing.

Kung sina Domingo, Garma at Mitra ay nagbando na saklaw nila ang jueteng nina Yap at Alvaran, tapos na sana ang boksing, di ba mga kosa? Subalit hindi inako ng tatlong ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa ng gaming programs nito ang jueteng sa Cavite kaya ang ibig sabihin nito ay ilegal sila kaya dapat kumilos sina Remulla, Natividad at Santos para matigil ito.

Kung sabagay, paano hihinto ang jueteng sa Cavite kung pinaiiral nila ang lumang sistema ng jueteng kung saan ang mga pulitiko at kapulisan ay busog sa grasya, di ba kosang Rico Posadas Sir? Dipugaaaaa!

Sa totoo lang, habang patuloy na nag-ooperate ang jueteng nina Yap at Alvaran sa Cavite, ang nanganganib na unang masibak ay si Santos. Mahigit isang taon sa puwesto si Santos at kahit abot-langit pa ang ipinagyayabang niya na miyembro siya ng powerful sect na Iglesia ni Cristo, aba siya ang unang titigbakin kapag uminit na ang isyu ng jueteng sa Cavite. ‘Ika nga, the buck stops kay Santos. Dipugaaaaa! Abangan!

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with