^

Hiling sa Bagong Taon

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2021 - 12:00am

Tuwing Bagong Taon ay marami tayong hiling. Kadalasan ay ang pag-asa na magbabago na ang buhay natin at matitigil na ang masasamang bisyo o ugali o nakagawian. Minsan ang tanging hiling lang natin ay magkatotoo ito. Kung masamang pangyayari naman o kaya ay sakuna, ang gusto natin ay matapos na lahat lalo ang pagsawata at paghinto ng COVID-19 pandemic para muling bumalik sa normal ang buhay ng mga tao. Siguro ang pinakahi-ling ng bawat Pilipino ngayon ay ang maging maayos at masagana ang papasok na taon, lalo ang:

1. Tumigil na ang pagsalanta ng matitinding bagyo sa ating bansa na nagdudulot ng kawalan ng buhay at nakasisira ng  ari-arian.

2. Matigil na ang police brutality at extrajudicial killings (EJK) sa mga pinaghihinalaang tulak ng droga at iba pang kriminal at para umiral na ang totoong hustisya sa lahat.

3. Sa Pasko ay matigil na ang mararangyang party na puro kainan at inuman lang ang inaatupag. Imbes ay matuto tayong magbigay ng regalo sa mahihirap at mas nangangailangan tulad ng mga biktima ng bagyo na patuloy na umaasa sa relief operations o donasyon.

4. Sana ay umiral ang delicadeza sa bawat empleyado ng gobyerno na nadadawit sa anumang isyu ng corruption/graft kahit totoo ito o hindi at kusa nilang gawin ang tama tulad ng pagbibitiw sa puwesto.

5. Sana ay aminin na lang din ng bawat opisyal ng gobyerno/politiko ang anumang partisipasyon nila sa maanomalyang transaksyon, humingi sila ng kapatawaran sa taong bayan at kusang gumawa ng paraan para itama ang kanilang pagkakamali.

6. Sana ay matigil na ang pork na ugat ng graft/corruption sa gobyerno at magtino na ang paggastos ng gobyerno. O kaya ay itama ng ating mga congressman at senator ang dapat na gastos ng bansa at alisin ang perang mapupunta lang sa bulsa ng mga kurakot.

7. Huminto na rin sana ang mga pulitikong nagpapakuha ng litrato sa tabi ng mga relief goods at nagpapanggap na Santa Claus na namimigay sa mahihirap samantalang alam naman ng lahat ang tunay nilang motibo.

Ngayong 2021, nakakatuwang isipin na isa sa popular na hiling ng taong bayan ay ang pagbabalik ng ABS-CBN sa telebisyon gamit ang bagong prangkisa para patuloy silang magsilbi sa mamamayang Pilipino. Maganda rin ang patuloy na pagbibigay ng relief operations ng ABS-CBN kahit na wala silang prangkisa at ang pagmamalasakit nila sa mga biktima ng bagyo at kalamidad na patuloy na nananalasa sa ating bansa, banggitin pa ang iba’t iba nilang programa sa mga mahihirap at kapus-palad sa bansa sa pamamagitan ng ABS-CBN Foundation.

Ngayong taon ay patuloy sana tayong maging malusog at mag-ingat sa COVID-19 pandemic.

Manigong Bagong Taon sa lahat!

BAGONG TAON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with