^

Katanggap-tanggap?

K KA LANG - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2020 - 12:00am

Bakit ka nga naman magpapabakuna sa produkto na may 50 percent lamang na “efficacy rate” o bisa? Kapag sinabihan ka na “fifty-fifty ang posibilidad” ng anuman, aprubado na iyan sa iyo? Hindi ba malaking sugal iyan para sa bakuna?

Ito ang lumalabas na bisa ng bakuna ng Sinovac, ang tila paboritong bakuna na ipapasok sa bansa, gawang China siyempre. Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), katanggap-tanggap na ang porsi­yentong iyan para magamit sa bansa. Iyan mismo mula sa DOST.

Pero umalma ang ilang mambabatas. Kalokohan pa nga ang pahayag ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun. Ang pahayag ni Fortun ay hindi dapat bumibigay ang gobyerno sa “any overture, pressure, or campaigning by the Chinese government, the Chinese embassy, or any of their proxies”. Sa madaling salita, huwag bumigay na naman sa China.

Hindi rin tinanggap nila Sen. Miguel Zubiri at Franklin Drilon ang bakuna ng Sinovac. Hindi raw magtatanim ng tiwala sa bakuna kung ganyan lang ang bisa.

Nahuhuli na nga ang Pilipinas sa paggamit ng bakuna para masimulan na ang laban sa COVID-19. Nauna na ang Singapore bilang unang bansa sa Asya na tumanggap ng bakuna mula Pfizer/BioNTech.

Mahirap mag-imbak ng bakunang ito at kailangang­ malamig na malamig ang paglalagyan. Ang mga maya­yamang bansa ang natural na nakakuha kaagad ng bakuna ng Pfizer/BioNTech at Moderna at nagsimula nang bakunahan ang kanilang mga mamamayan.

Sa United States, higit isang milyon na ang nabakunahan pero ang target ay 20 milyon kaagad. Sigurado nais ng US na bumalik na sa normal ang buhay at matanggal na sa pagiging numero unong bansa sa dami ng kaso ng COVID-19.

Ang Pilipinas ay bumaba nang bahagya. Nasa number 29 ang Pilipinas sa rami ng kaso ng COVID-19. Dati ay nasa number 26. Lahat ito makikita sa https://www.worldometers.info/coronavirus/. Indonesia lamang ang bansang ASEAN na mas mataas sa Pilipinas. Pero nagtala ng 1,406 na bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado.

Sana naman ay hindi ito nagpapahiwatig ng pagsipa ng bilang ng kaso matapos ang pagdiriwang ng Pasko na siyang ikinababahala ng mga eksperto. May bagong taon pa tayong ipagdiriwang.

COVID-19 VACCINE DOST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with