^

Panic-demic

IKAW AT ANG BATAS! - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2020 - 12:00am

Kahit wala pang aprobadong bakuna sa COVID-19 ang Food and Drug Administration (FDA) marami nang opisyal ng pamahalaan ang nagpabakuna na at hindi na hinintay ang opisyal na vaccine na aprobado ng pamahalaan.

Pati ang ilang kasapi ng militar, partikular na ang Pre­sidential Secrurity Group na nagtatanod sa seguridad ng Pangulo ay nagpaturok na rin umano. Ano iyan? Sino ba ang maibibigay ng signal para sa pagsisimula ng national vaccination? Tila kani-kaniyang diskarte na ang nang­ya­yari katulad ng pag-uunahang tumalon mula sa lumulubog na barko!

Sa tingin ko lang, indikasyon ito na kahit ang ilang opis­yal mismo ng gobyerno ay sinasaklot na ng takot sa pan­demya na sinasabing naglulubha hindi lang dahil sa pagtaas ng mga kaso kundi ng pagiging mas nakahahawa ng virus.

Pati si Presidente Duterte ay sinasabing tumanggap na ng bakuna pero ito’y tahasan niyang pinasinungali­ngan at sinabing naghihintay pa siya ng “perfect vaccine” bago gawin ito. Kailan pa darating iyan!

Eh sa ibang bansa nga ay nagsimula na ang kanilang national vaccination program. Ano ang dahilan kung bakit tayo sa Pilipinas ay wala pang nakalatag na plano yata. Ayon sa latest report mula sa FDA, wala pa itong ina­apro­bahang bakuna kahit ang Pangulo na mismo ang nagkumpirma na may ilang opisyal at mga sundalo ang tumanggap na ng vaccination.

Sa nakikita nating attitude ng pamahalaan na para bang walang kasiguruhan ang mga ginagawang hakbang, tala­gang hindi malayong magkaroon ng national “panic-demic­”.

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with