^

Alaga at proteksiyon para sa mga naglilingkod sa Makatizens

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2020 - 12:00am

Muling ipinamalas ng aking pamunuan ang malasakit sa mga kawani ng pamahalaang lungsod sa pamama-gitan ng maagap na pagkilos upang maaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang karagdagang P10,000 na Service Recognition Incentive (SRI), alinsunod sa Administrative Order 37 na nilagdaan ni Pangulong Duterte kamakailan.

Aabot sa 7,818 na empleyado ang sakop ng P81.3 milyong pondong inilaan para sa insentibo, na kinabibilangan ng 3,408 regular, 4,390 casual at 20 contractual na empleyado. Sila ay kuwalipikadong tumanggap ng SRI batay sa mga alituntuning nakapaloob sa City Ordinance No. 2020-287. Bukod sa sila ay nasa serbisyo pa noong November 30, 2020, kailangang may apat na buwan o mahigit silang satisfactory service upang matanggap ang buong P10,000. Kasama rito ang mga nasa alternative work arrangements.

Makakatanggap naman ng pro-rated SRI ang mga kawaning wala pang apat na buwan sa serbisyo, ayon sa sumusunod: Tatlong buwan sa serbisyo, 40 percent ng SRI; dalawang buwan, 30 percent; isang buwan, 20 percent; at wala pang isang buwan, 10 percent ng SRI.

Sa abot ng aming makakaya, handa kaming ibigay ang lahat ng pangangalaga at proteksiyon para sa aming mga lingkod-bayan bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na paghahatid ng serbisyo sa ProudMakatizens, nang hindi alintana ang panganib na nakaamba dahil sa pandemya.

Samantala, pinasimulan ko noong December 16 ang pamamahagi ng nasa 8,000 Emergency Kits para sa lahat ng mga empleyado ng city hall upang tulungan silang maging handa sa anumang kalamidad. Muli tayong pinukaw ng isang malakas na lindol sa mismong araw ng Pasko, at nagsilbi itong paalala sa ating lahat na dapat laging handa ang ating mga tahanan.

Laman ng bawat Emergency Kit ang moist towelettes, emergency water pouches na may malinis na inuming tubig na may limang taong shelf life, 400-kcal emergency survival food bar na may shelf life na limang taon, 12-hour light sticks o emergency glow sticks, face mask, ID lanyard, at thermal blanket na pwedeng gamiting kumot, kapote, pantakip at iba pa.

Hinihikayat ko ang aming mga kawani na dagdagan pa ang nilalaman ng emergency kits upang maging mas kapaki-pakinabang sa kanilang pamilya sa panahon ng kalamidad. Napakahalaga nito sa bawat tahanan upang matulungan ang sarili at mabuhay habang naghihintay ng saklolo mula sa mga otoridad.

Sa pagsisimula ng Bagong Taon, nawa’y mag-ibayo ang ating katapatan sa tungkulin bilang mga tagapaglingkod ng ating ProudMakatizens. Kasabay nito, ating paigtingin ang pagtutulungan at pagdadamayan upang malampasan ang kasalukuyang krisis at makabawi ng lakas at sigla ang lokal na ekonomiya.

Isang Ligtas at Masaganang Bagong Taon sa ating lahat!

MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with