^

Pitmaster Cup ni Atong Ang, ginigipit?

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2020 - 12:00am

Nasa warpath ang negosyanteng si Atong Ang, ang nasa likod ng online sabong na “Pitmaster Cup”. Ang target ng ngitngit ni Atong ay ang dalawang nilalang na taga-Mindanao at taga-Central Luzon na inakusahan niyang nasa likod ng panggugulo ng kanyang negosyo. Sinabi ni Atong na ang taga-Mindanao ang nasa likod ng pag-hack ng website ng Pitmaster Cup kaya matagal ang oras minsan na walang tumataya sa kanilang online sabong.

Ang taga-Central Luzon naman ay isang powerful na gambling lord na may sarili ring online sabong. Ang ginagawa nitong gambling lord ay kinakausap ang local government units (LGUs) kung saan nag-ooperate ang Pitmaster Cup para ikansela ang kanilang permit. Bilyones kasi ang kinikita ng online sabong kaya hindi nagtataka ang mga kosa ko sa Camp Crame kung makipag-away si Atong sa gambling lord na taga-Central Luzon. Dipugaaaa!

Ibinuhos ni Boss Atong ang kanyang hinanakit sa hacker at gambling lord sa kanyang 22-minutong mensahe sa “Bayang Sabungero” sa Youtube noong Dec. 19. Sinabi niya na ang hacker ay humihingi ng pitsa para tigilan ang panggugulo sa kanyang grupo. Ang sistema ng hacker ay guguluhin at  patitigilin ang apat nilang website at ang mga sabungero ay hindi makatataya.

Nakausap na ni Boss Atong ang hacker subalit hindi muna niya ini-explain kung ano ang kinahinatnan ng usapan nila. Si gambling lord naman ay nagpapadala ng sugo sa mga LGU kung saan may butas sila at pina-cancel ang kanilang permit, ani Atong. Lumalabas tuloy na parang gustong solohin ni gambling lord ang negosyong online sabong, aniya. Siyempre, papalagan ng tropa ni Atong ang ginagawang panggigipit ng gambling lord dahil ang lahat ng butas nila ay armado ng kaukulang permit, dagdag pa ni Atong. Dipugaaaa!

Samantala, natigil ang online sabong ng “Sabong Express” sa Mabuhay Cockpit ng nagdaang linggo hindi dahil ni-raid sila ng Inter-Agency Task Force (IATF) kundi dahil sa paglabag ng health protocol ng gobyerno ni President Digong, lalo na ang social distancing. Ang siste, pumutok pala ang transformer ng poste dahil hindi nakayanan ang halos 300 aircon units na ginagamit sa sabungan. Hindi rin kinaya ng generator sets. Lampas dalawang oras din bago naibalik ang ilaw kaya natuloy ang sabong. May nagsasabotahe kaya sa “Sabong Express” ng negosyanteng si Bong Pineda? Abangan!

SABONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with