^

‘Wag ilihis ang isyu sa mga Tulfo!

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - December 23, 2020 - 12:00am

Hindi man kami ang isyu, pero nadadamay na naman ang pangalan naming magkakapatid na Tulfo kaugnay sa pinatay na mag-ina sa Paniqui, Tarlac. Lalo na ang utol kong si Raffy na pinutakti sa twitter.

Marami na ngang umangkas, sumakay at sumawsaw sa social media sa mainit na isyung ito. Samahan mo pa ng mga hunghang na haters o ‘di mo malaman kung mga ing­gite­rong trolls lang talaga.

Imbes pagtuunan ng pansin ang mabilis na paggulong ng hustisya sa kaso ng mag-ina na pinatay ng utak pulbura na pulis na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, ay ibinabaling ang isyu sa utol kong si Raffy at kanyang programang Raffy Tulfo in Action.

Ininterview kasi sa kanyang programa ang kaanak ng mga biktima. Kaya sa Twitter, bakit daw kailangan pang i-tag ang Tulfo sa hinihinging hustisya ng mga kaanak?

Tulfo na raw ba ang judicial system sa Pilipinas? Teka muna, hindi Tulfo ang isyu rito at hindi namin kasalanan kung kami nga ba ang pinagtitiwalaan ng taumbayan.

Hindi namin masisisi kung tumatak na sa isipan ng taum­bayan na madaling lapitan at madaling pagsumbungan­ kaming magkakapatid na Tulfo.

Bakit nga ba sa tuwing may karumal-dumal na krimen, pang-aabuso sa lipunan, dikit sa isipan ng taumbayan ang apelyidong T-U-L-F-O? Bakit nga ba Tulfo ang tinatakbuhan?

Ang masasabi ko lang, dahil walang burukrasya sa aming magkakapatid. Hindi namin kasalanan kung kilos pagong ang sistema ng paggulong ng hustisya sa ating bansa.

Hindi namin kasalanan kung nakasanayan ng taong bayan kami ang makinig at umaksiyon sa kanilang mga hinaing. Lalong hindi namin kasalanan kung nakakapagbigay man kami ng kaginhawahan ng kalooban sa mga lumalapit.

Kaya yung mga walang magawang mga nasa social media na kung tawagin ang Tulfo Brothers, partikular si BITAG – na BOOMER... Etong sagot ko - what’s up millenials? Where the “F” are you 20 years ago… and 10 years ago nang lumabas ang t3?

Simula noon, hanggang ngayon, tuloy pa rin ang pagtulong namin sa mga lumalapit.

PULIS TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with