^

Jueteng sa Cavite, may ‘timbre’ sa gobyerno?

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2020 - 12:00am

Magkakutsaba na ang pulitiko at pulisya sa patuloy na operation ng jueteng sa Cavite kahit na raid na ang istasyon nito sa General Trias. Iginigiit ng bangka na si John Yap at management na si Jun Moriones na legal sila at nagbibigay pa ng biyaya sa gobyerno. Kanino kaya nagbibigay ng “timbre” sina Yap at Moriones eh maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi sila sanctioned ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma? Sinabi ni Garma na walang Small Town Lottery (STL) sa Cavite at lalong wala silang palaro sa probinsiya ni Gov. Jonvic Remulla. Baka papel de hapon ang hawak nina Yap at Moriones, di ba mga kosa? Dipugaaaa!

Sa ngayong naghigpit ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa pangambang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, aba dapat hindi payagan ni Remulla na maglamyerda sa kalye ang mga kubrador ng jueteng at baka masalto siya. Di tulad sa STL na bago magbukas ang mga outlets nila, naglabas si Garma ng warning na hindi papayagan ang mga mananaya na hindi susunod sa health protocol ng gobyerno ni President Digong na social distan-cing, pagsusuot ng face mask at face shield. Pina-disinfect din ni Garma ang mga outlets at hindi pinayagan ang mga seniors na tumaya.

Subalit ang jueteng nina Yap at Moriones ay walang abiso man lang kung ano ang gagawin ng kubrador nila at kabo para maiwasan ang virus. Wala rin silang ID, at karamihan sa mga kubrador ay mga seniors na gustong kumita ng konti para mairaos ang pamilya. May ebidensiya riyan mga kosa dahil tatlo sa 23 na nahuli sa raid ng CIDG sa Bgy. Sta Clara, General Trias kamakailan ay mga gurang at pinakawalan na lang “for humanitarian reason.” Kaya kung patuloy na gumagala ang mga kabo at kubrador ng jueteng nina Yap at Moriones sa Cavite, hindi ligaya ang idudulot nito kay Remulla kundi problema, di ba mga kosa? Dipugaaaa!

Sinabi naman ng mga kosa ko sa Camp Crame na ang kalakaran dati sa jueteng ay 3 percent ang mapupunta sa gobernador, maliban sa Pangasinan na medyo mas mataas dahil umaabot sa P20 milyon ang kubransa. Ang para sa mga mayors at chief of police ng mga bayan ay 2 percent samantalang ang provincial director ay P1.2 milyon. Siyempre, ang pinakamalaki ay ang para sa regional director na aabot sa P2 milyon. Itong lumang sistema kaya ay pinaiiral pa nina Yap at Moriones sa Cavite kaya hindi gumagalaw ang mga pulitko at pulis dun vs jueteng?  Dipugaaaa! Abangan!

JUETENG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with